Visits: 132,549
Login
PROGRAMS, PROJECTS AND ACTIVITIES
Bayotbot

     
BRGY. BAYOTBOT MEDICAL AND DENTAL MISSION

March 2, 2016 - Tuloy-tuloy ang Medical and Dental Mission na isinasagawa ng Jaime V. Ongpin Foundation at Philip Morris Fortune Tobacco Corporation sa pakikipag-tulungan sa LGU San Jose. Ito ay bilang bahagi ng pagbabalik ng serbisyo ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation, Inc. at Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. sa mga Tobacco Farmers dito sa bayan ng San Jose, Nakipag-ugnayan sila sa LGU San Jose para magsagawa ng Medical at Dental Mission sa mga Barangay na may mga magsasakang nagtatanim ng tabako. Sa pangalawang pagkakataon, muling isinagawa ito sa Brgy. Bayotbot. Matatandaang noong nakaraang Nobyember 17, 2015 huling isinagawa dito. Pinangunahan nina Dra. Enid M. Asuncion kasama sina Dr. Lawrence Cyril Gaudiel Vitug at Dra. Regine Escalada at mga kasamahan mula sa Municipal Health Office ang naturang Medical at Dental Mission.
...PR Team San Jose