Visits: 113,191
Login
HIGHLIGHTS

Comment Likes = 0
MIMAROPA RAA MEET OPENING PROGRAM
March 12, 2018

Opisyal nang nasaksihan ng lahat ang pagbubukas ng MIMAROPA RAA Meet 2018. Katulad ng inaasahan, dagsa ang manonood na nais sumaksi sa makasaysayang MRAA Meet 2018 dito sa bayan ng San Jose Lalawigan ng Occidental Mindoro. Matatandaang ang huling Regional Athletic Meet ay noon pang 1970 ginanap dito sa San Jose. Pagkatapos ng Apatnapu't walong taon ay ngayon lang muli nakapag-host ang lalawigan ng Occidental Mindoro. Ang MIMAROPA ay binubuo ng mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Palawan, Puerto Princesa City at Calapan City.. Humigit-kumulang Anim na libong mga atleta at coaches at mga bisita mula sa DepEd ang nandito para makiisa sa MRAA Meet 2018.

Panauhing pandangal sa naturang pagtitipon si Senator Loren B. Legarda. Humanga siya sa naging preparasyon na aniya'y kitang-kita ang kahandaan at pagiging organisado ng lalawigan. Kaya naman boung pagmamalaking binati niya at pinasalamatan ang mga lider ng ating lalawigan sa pangunguna ni Congresswoman Josephine Ramirez - Sato, Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Governor at Mayor Romulo M. Festin, pamunuan ng DepEd sa pangunguna ni Dr. Gilbert T. Sadsad, Regional Director, DepEd MIMAROPA Region.


...pr team san jose