Visits: 118,533
Login
General Information
About San Jose
San Jose & The World
History
Getting There
Municipal Profile
Land Use Plan
Urban Zoning Map

Business

Products/Industries

Tourism

Tourist Destinations
Hotels/Accommodations
Local Products
Festivities
Gallery

Government

Vision and Mission
Programs & Projects
Invitation to Bid
Replies to Public
img1 img2 img3 img4




Share this link on Facebook








WEATHER? See Pag-Asa

PRINT THIS PAGE

OFFICE OF THE PRESIDENT
HOUSE OF REPRESENTATIVES
BUREAU OF IMMIGRATION
DENR
DEPARTMENT OF EDUCATION
DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT
DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY
DOST
DEPARTMENT OF HEALTH
PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY
PHILIPPINE NATIONAL POLICE
PCSO
LAND TRANSPORTATION OFFICE
NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLE
TAMARAW CONSERVATION PROGRAM
TESDA
NOTICES/ANNOUNCEMENTS
Give it your best shot! 1ST LAKBAY LITRATO TURISMO SAN JOSE PHOTOGRAPHY CONTEST 2017 Visit Tourism San Jose Official Facebook Page for more details....Tourism San Jose
Deadline for payment of Real Property Taxes is on March 31, 2016...Municipal Treasurer



MULTIPLE UNIT CONVERTER
HIGHLIGHTS
IMAGES COMMENTS LIKES

WE ARE HIRING!

You may submit your application at MHRM Office, 2nd floor Municipal Hall, San Jose, Occidental Mindoro.
...MHRMO
0
MCDONALD'S GRAND OPENING
July 5, 2018

Katulad ng inaasahan, dinagsa ng mga San Joseño ang pagbubukas ng MC Donald's San Jose branch na kung saan pinangunahan ni Mayor Romulo M. Festin ang Ribbon cutting. Maswerte ang unang |sangdaang customer na nakapila dahil nakatanggap ang bawat isa ng Big Mac. Marami pa ring mga freebies ang kanilang ipamimigay sa kanilang mga customer hanggang mamayang gabi. Ang Mc Donald's San Jose branch ang kauna-unahang fast food chain na may drive thru dito sa bayan ng San Jose. Bukas sila mula ika-anim (6 am) hanggang ika-sampu ng gabi (10 pm).
...PR Team San Jose
0
BARANGAY OFFICIALS' OATH TAKING
June 28, 2018

Simple ngunit naging makabuluhan ang isinagawang Mass Oath Taking ng mga naihalal na Barangay Officials ngayong araw, June 28, 2018 sa San Jose Municipal Plaza. Pinangunahan ni Mayor Romulo M. Festin ang panunumpa ng mga bagong halal na mga opisyal ng barangay. Kumpletong nanumpa ang mga opisyal mula sa 39 Barangay ng bayan ng San Jose kabilang na ang bagong tatag na Barangay Naibuan na sa kauna-unahang pagkakataon ay uupo sa tungkulin ngayong darating na Hulyo.

Nagpahayag rin ng suporta at pagbati ang mga lider ng lalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Peter De Jesus Alfaro kasama ng mga Sangguniang Panlalawigan members. Masaya ring binati ni Mayor Romulo M. Festin ang mga naihalal na kapitan at mga kagawad, aniya ay inaasahan niyang magiging tapat at mahusay sa paglilingkod ng mga ito. Samantala, isang mensahe ng paghamon naman ang ipinaabot ni Dir. Ulyssess Feraren, DILG Provincial Director. Ayon sa kanya ay naniniwala siya na ang mga bagong halal na opisyal ay magiging kabalikat nila sa patuloy na pagseserbisyo publiko sa bawat baranggay na kanilang nasasakupan. Mga lider na matapat, mahusay at maasahan.

Ipinaabot naman ni MLGOO Memviluz Baureli at ABC President Jerry Balagot ang papasalamat sa lahat ng mga bisita at lalo't higit sa mga opisyales ng barangay at umaasa sila na babaunin at tatalimahin ng buong puso ng bawat opisyales ang sinumpaan nilang tungkulin. Maayos at masaya ang pagtatapos ng programa.
...PR Team San Jose
0
JOBS FAIR 2018
June 12, 2018

Nagsagawa ng Jobs Fair ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng San Jose sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE). Layunin nitong tulungan ang mga mamamayan na mabigyan ng trabahong angkop sa kanilang kakayahan at kasanayan na mag-aangat sa antas ng kanilang kabuhayan.

Nakiisa ang Sampung employers kung saan karamihan sa mga aplikante ang “hired on the spot.” Tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng Local Recruitment Activities at Special Recruitment Activities sa pangunguna ng PESO na pinamumunuan ni Ms. Josefina Septimo Villamar. Sa mga interesado pa ring magkatrabaho, makipag-ugnayan lamang sa kanilang opisina na matatagpuan sa 2nd floor ng Munisipyo
...PR Team San Jose
0
ARAW NG KALAYAAN 2018
June 12, 2018

" Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan" Ito ang tema ngayong taon ng Ika-120 anibersaryo ng deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, o kilala rin bilang Araw ng Kasarinlan o Araw ng Kalayaan na ipinagdiriwang nating mga Pilipino sa boung Pilipinas.

Dito sa Lokal na Pamahalaang bayan ng San Jose, Isinagawa ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak, dakong 7:00 ng umaga. Pinangunahan ito ni Mayor Romulo M. Festin kasama ang ilan pang Municipal at provincial officials, veterans, senior citizens, PNP, Philippine Army, Philippine Coast guard, firemen, Department of Education, Free and accepted mason, order of Demolay,rainbow girls, knights of Columbus at iba pang Religious sector at NGO’s.

Ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Kastila ay iprinoklama noong Hunyo 12, 1898 sa balkonahe ng tahanan ni Heneral Emilio F. Aguinaldo sa Kawit, Cavite, at binasa ang “Act of the Declaration of Independence.” Sa makasaysayang pangyayari na ito unang itinaas ang Pambansang Watawat ng Pilipinas na ginawa ni Marcela Agoncillo, at unang inawit ang pambansang awit, ang Lupang Hinirang, na likha ni Julian Felipe.

Ang Hulyo 4 ay ipinagdiriwang sa Pilipinas bilang Araw ng Kalayaan hanggang noong Agosto 4, 1964 ay nilagdaan ni Pangulong Diosdado P. Macapagal para maging batas ang Republic Act 4166 na nagtatakda sa Hunyo 12 bilang ang Araw ng Kalayaan ng bansa.

Samantala sa ikalawang bahagi ng programa, Nag-organisa naman ng jobs fair ang Public Employment Office ng LGU San Jose katuwang ang Department of Labor and Employment . SA ikatlong bahagi naman ng programa ay nagsagawa ng clean-up drive dito sa Municipal Compound ang mga empleyado ng LGU San Jose.
...PR Team San Jose
0
PAGBIBIGAY NG PRANGKISA PARA SA MGA VAN OPERATORS, ISINAGAWA NA
May 31, 2018

Ikinasa na ang pagbibigay ng prangkisa sa Van Operators sa isinagawang One Stop Shop Project Roll Out ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa bayan ng San Jose. Ang naturang one stop shop franchise processing ay kauna unahang isinagawa at dinala sa probinsya ayon sa pahayag ng DOTr at LTFRB.

Dinaluhan ito nina DOTr Assec Mark De Leon, Executive Director Samuel Aloysius Jardin, LTFRB Regional Director Gualberto Gualberto, OTC Representative Lino Geronimo at ng unified leaders ng Occidental Mindoro sa pangunguna ni Congrewoman Josephine "Nene" Ramirez Sato. Ayon sa kinatawan ng LTFRB at DOTr ay naging posible ang pag kakaroon ng ganitong aktibidad para sa pagkuha ng prangkisa ng mga van operators dahil narin sa kagustuhan ng mga lider ng lalawigan ng Mindoro lalo na ni Cong. Sato upang matugunan ang krisis sa transportasyon sa lalawigan ng Mindoro.

Bibigyan ng Provisional Authority ang mga van operators na mayroong kumpleto at tamang dokumento na magagamit nila ng 90 days habang pinoproseso ang mga orihinal nilang prangkisa. Ayon sa LTFRB ay maaari ng makabiyahe ang mga van operators sa itinakdang ruta para sa kanila kapag nagkaroon na sila ng naturang provisional authority. Lubos ang pasasalamat ng mga llider lalo't higit ng mga van operators dahil bukod sa hindi na sila mahihirapan sa pagkuha ng prangkisa ay magiging normal narin ang takbo ng kanilang hanap buhay at kalagayan ng transportasyon sa lalawigan ng Mindoro.
...PR Team San Jose
0
LAUNCHING OF DAP-AYAN CENTER FOR CULTURE AND THE ARTS
MAY 30, 2018

Pormal ng binuksan ang Dap-Ayan Center for Culture and the Arts para sa publiko. Nagkaroon ng isang maikling programa na kung saan ay ipinakita ang mayamang kultura at sining na mayroon ang bayan ng San Jose lalo't higit ang kultura ng mga katutubong mangyan.

Iminungkahi ni Mayor Romulo M. Festin na palitan ang terminong Dap-ayan ng salitang Dang-yahan Center for Culture and the Arts. Ito ay isang salitang Katutubong Mangyan na ang ibig sabihin ay lugar ng pagtitipon o pagsasama-sama.

Naging positibo at masaya ang naging reaksyon ng mga taga National Commission for Culture and the Arts sa pangunguna ni Mr. Ferdinand Isleta. Ayon sa kanya ay tunay na mayaman ang kultura at sining ng San Jose na maaaring ipagmalaki hindi lamang sa Region IV-B kundi sa buong Pilipinas. Pinasalamatan din niya si Mayor Festin sa mainit na pagtanggap sa kanila at sa proyektong ito ng NCCA.
...PR Team San Jose
0
DISKWENTO CARAVAN
May 17, 2018

Muling inilunsad ang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry katuwang ang ang mga local distributors at department stores at sa suporta ng Local Government Unit ng San Jose sa pamumuno ni Mayor Romulo Muloy M. Festin. Dekalidad subalit mas murang mga produkto ang mabibili sa diskwento caravan na ito, layunin nito matulungan ang mga mamimili na makamura lalo na't nalalapit na ang pasukan. Mabibili dito ang iba't ibang uri ng school supplies, canned goods, dry goods at may murang bigas pa na maaring mabili sa halagang 27 pesos.

Ang mga participating stores ay ang sumusunod:
- Angel's Department Store
- Unitop Gen. Merchandise
- Ellen Siquico Footwear and Gen. Merchandise
- The Generics Pharmcy
- Michael's Shopping Center
- NFA Grecon
- Gaisano Capital San Jose
- JAMC Marketing Inc.
- Uphigh Distributor, Inc.
- Leah's Bookstore
- Sales Force One Marketing

Ang Diskwento Caravan ay nagbibigay rin ng libreng serbisyo tulad ng massage, gupit, at checking ng blood pressure.
...PR Team San Jose
0
MINDORO ISLAND TRANSPORT SUMMIT
May 8, 2018

Isang Isla, dalawang magkahiwalay na lalawigan, ngunit nagkaisa para pagusapan at bigyan ng sulusyon ang kinakaharap na problema sa transportasyon. Nagsamasama ang 23 transport group operators at mga lider ng Oriental at Occidental Mindoro, para pag-usapan at mabigyan ng linaw ang mga problemang kinakaharap ng sektor ng transportasyon sa isinagawang Mindoro Island Transport Summit na ginanap sa Seasons Hotel and Convention Center, San Jose Occidental Mindoro. Samantala naging isa naman ang tema ng mensahe nina Congresswoman Josephine Ramirez Sato, Governor Mario Gene Mendiola at Governor Boy Umali sa lahat ng mga transport groups ito ay ang kahalagahan ng pagkakaisa ng dalawang lalawigan para sa ikauunlad ng Mindoro.

Naging espesyal na panauhin sina LTFRB AsSec Mark Richmond Tugade, LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra, OTC Chairman Emmanuel Vertucio, at LTFRB Regional Director Gualberto N. Gualberto. Para talakayin ang mga proseso para sa pagkakaroon ng prangkisa para sa mga Transport Operators, tinalakay din sa Summit ang PUV Modernization Program at ang mga magandang maidudulot nito sa mga komyuter at sa mga transport operators. Ayon sa LTFRB bagaman hindi pa tukoy kung ilan ang maaaring bibigyan ng prangkisa ay ipinaliwanag nila ang mga dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng prangkisa, una ay ang pagtukoy ng ruta, maximum distance at malaman ang bilang ng mga units ng sasakyan at bilang ng operators para maging pantay ang pagbibigay ng prangkisa.

Nabigyang linaw ang mga katanungan ng mga operators sa isinagawang transport summit. Ipinahayag ni Cong. Sato ang kanyang buong pusong pagnanais na mapagbigyan ang kahilingan ng mga operators ng Mindoro upang masulusyunan ang kakulangan ng biyahe sa lalawigan. Lubos naman na pasasalamat ang natanggap ng mga kinatawan ng LTFRB mula sa mga dumalo ng malakihang transport summit.
...PR Team San Jose
0
MOTOCROSS 2018
May 1, 2018 - Tuesday

Dinagsa ang isinagawang Motocross 2018 bilang bahagi pa rin ng Pistang parangal kay San Jose, ang Manggagawa 2018. Makapigil-hininga ang mga nasaksihang stunts mula sa mga kalahok. Mabilis na pagpapasibad ng motor upang kumuha ng bwelo para makatalon sa ere ang ipinamalas na talento ng karamihan. Labis na namangha rin ang karamihan sa mga ipinakitang habang nasa ere sakay ng kanyang motor ay panandaliang binitawan nito ang manibela at nagpaikot-ikot sa ere ng ilang beses. Muli sa taong ito, matagumpay na natapos ang Motocross 2018.
...PR Team San Jose
0
PWD DAY- PARALYMPIC
May 1, 2018

Naging espesyal ang pagdiriwang ng natatanging araw ng mga person's with disabilities sa ginanap na PWD Day na isinabay sa pagdiriwang ng Pistang Parangal Kay San Jose, Ang Manggagawa sa kauna-unahang pagkakataon. Dumalo sa naturang pagdiriwang sina Congresswomen Josephine "Nene" Ramirez-Sato, Governor Gene J. Mendiola, Mayor Romulo M. Festin, Vice Mayor Rod Agas at mga SB Members ng San Jose. Lahat sila ay nagbigay ng mensahe ng pagbati at pagkilala sa mga PWD, naniniwala ang unified leaders na malaki ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng ating bayan at hindi hadlang ang kanilang kapansanan para umangat sa buhay. Gayundin ang naging tema ng mensahe ni MSWDO Alice Cajayon at PSWDO Sally Lamoca

Bukod sa kasiyahan ay ipinakita rin nila ang kanilang mga talento tulad ng pag-sayaw, pag-awit at pag-pipinta. Gayun na lamang ang paghanga ng mga lider at mga bisita sa ipinakita nilang galing. Tinalakay din ang mga karapatan at mga batas para sa kapakanan ng mga PWD sa pangunguna ni Ms. Maricel dela Vega, Regional PWD Focal Person. Pinagkalooban din ng livelihood assistance na nagkakahalaga na Php 15, 000.00 ang limang samahan ng mga PWD.

Lubos ang pasasalamat at kaligayahan ng mga person with disabilities dahil nabigyan sila ng pagkakataon upang maiipakita ang kanilang mga talento at nabigyan silang muli ng pagkilala sa lipunan. Gayon din naman ang pasasalamat ng PSWD, MSWD, at PWD Focal na nagkaroon ng ganitong pagkakataon para sa mga PWD upang makita ng lipunan ang kanilang kahalagan at kakayanan na makapag-ambag sa pag-unlad ng lipunan.
...PR Team San Jose
0
INDAK PANDURUCAN 2018
April 29, 2018

Kakaibang galing sa pag buo ng konsepto ng sayaw ang ipinamalas ng mga koryograper at tagisan ng galing sa pag-indak at pag-sayaw naman ang ipinakita ng mga mananayaw mula sa pitong kupunan na naglaban laban upang maitanghal na kampeon sa ginanap na Indak Pandurucan 2018 Street Dancing Competition. Bawat grupo ay nagpamalas ng kani-kanilang galing at talento, napiling Best Music ang La Curva, Best In Tamaraw naman ang Bubog. Nag Best Female dancer naman si Gheary Maine Cabutaje at Best Male Dancer si Darwin Anthony Viaña mga mananayaw mula sa kupunan ng Barangay Bubog at nasungkit naman ng Barangay Pag-asa ang Best in Street Dance. Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang mga manunuod nang itinanghal bilang kampyeon ang Barangay Bubog, 1st Runner ang Barangay La Curva, at 2nd Runner Up naman ang Barangay San Roque.
...PR Team San Jose

INDAK PANDURUCAN 2018
April 29, 2018

Kakaibang galing sa pag buo ng konsepto ng sayaw ang ipinamalas ng mga koryograper at tagisan ng galing sa pag-indak at pag-sayaw naman ang ipinakita ng mga mananayaw mula sa pitong kupunan na naglaban laban upang maitanghal na kampeon sa ginanap na Indak Pandurucan 2018 Street Dancing Competition. Bawat grupo ay nagpamalas ng kani-kanilang galing at talento, napiling Best Music ang La Curva, Best In Tamaraw naman ang Bubog. Nag Best Female dancer naman si Gheary Maine Cabutaje at Best Male Dancer si Darwin Anthony Viaña mga mananayaw mula sa kupunan ng Barangay Bubog at nasungkit naman ng Barangay Pag-asa ang Best in Street Dance. Halos hindi magkamayaw sa tuwa ang mga manunuod nang itinanghal bilang kampyeon ang Barangay Bubog, 1st Runner ang Barangay La Curva, at 2nd Runner Up naman ang Barangay San Roque.
...PR Team San Jose
0
LGU NIGHT 2018
April 27, 2018 - Friday

Ipinakita ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose ang kanilang galing hindi lamang sa larangan ng paglilingkod sa bayan, kundi mayroon din silang itinatagong talento sa ginanap na LGU NIGHT. Bukod sa pagbibigay ng pagkilala sa mga natatanging mangagawa na nagpakita ng husay at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan ng San Jose ay nagkaroon din ng cultural competition sa gabi ng mga mangagawa ng LGU San Jose.

Iba't ibang mga kasuotan at sayaw na nagpapakita ng mga kultura mula Luzon hanggang Mindanao ang ibinahagi ng mga empleyado ng munisipyo na taon taon ng ginaganap bilang kabahagi ng selebrasyon ng Fiesta at Founding Anniversary. Ang programang ito ay dinaluhan ng Ina ng Occidental Mindoro, Congresswoman Josephine "Nene" Ramirez-Sato, Governor Mario "Gene" J. Mendiola, Mayor Romulo "Muloy' Festin kasama ang mga Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan members.

Anim(6) na clusters na nanggaling sa iba't-ibang departamento ang naglaban-laban sa patimpalak na ito. Ang cluster 1 ay binubuo ng departamento ng MAO, SALUGHTER, FISHPORT, MTO, cluster 2- MEO, ELECRICAL, MOTORPOOL, MAINTENANCE, MPDO, MASSO, MBO, & LEDIPO, cluster 3- MAYOR'S Office, GSO, BAC, GYM, OSCA, PESO, BRGY.AFFAIRS, MTCDO & ACCOUNTING, cluster 4- MENRO & MSWDO, cluster 5- MPEU, RECORD, MHO, MCR, & MDRRMO at ang cluster 6- PMO & SB ito ang mga departamentong bumuo at nagbigay kulay sa programa ng LGU NIGHT.

Ang nagwagi sa patimpalak na ito ay ang sumusunod: CHAMPION - Cluster 5 na tumanggap ng 50,000.00, 1st RUNNER UP- Cluster 1 na tumanggap ng 40, 000.00 at 2nd RUNNER UP naman ay ang Cluster 4 na tumanggap ng 30, 000.00.
...PR Team San Jose
0
Pagdiriwang ng San Jose Fiesta, Nagsimula na
April 22, 2018

Naging masaya at matagumpay ang Musikahan, Umpukan, Libangan Old and Young (MULOY) Variety Show bilang opening salvo o simula ng pagbubukas ng selebrasyon ng 108th Founding Anniversary at ng Town Fiesta ng bayan ng San Jose. Buo ang suporta at presensya ng Committee De Festijos at ng LGU San Jose sa pangunguna ni Mayor Romulo "Muloy" Festin at Vice Rod Agas.

Puno ng kasiyahan at pasasalamat ang mensahe na ipinaabot ni Gov Gene mendiola sa katauhan ni Dra. Myrna G. Zapanta, gayundin ang mensahe ni Mayor Festin na kung saan ay alay umano niya sa mga makapangyarihan mamamayan ng San Jose ang mga ganitong prorgrama. Ibinida ng mga San Joseños ang kanilang talento sa pamamagitan ng pagrampa, pagsayaw at pag-awit ng mga old and young. Nagkaroon din ng presentasyon ng Little Mr. and Ms. San Jose, G. at Bb. San Jose 2018 at ipinakilala din ang bumubuo sa Committee de Festijos na nangunguna sa mga aktibidad ng town fiesta at founding anniversary.

Natapos ang programa ng may kasiyahan ang mga nakiisa sa MULOY Variety show, sa huli ay naging lubos din ang pasasalamat ang natanggap ng overall working committee ng naturang programa dahil sa maganda at maayos na daloy nito.
...PR Team San Jose
0
BLESSING OF RENOVATED VETERANS BANK
April 27, 2018

Isang mas magandang Philippine Veterans Bank- San Jose Branch ang bumungad sa mga panauhin sa ginawang blessing sa Veterans Bank, na kung saan ay buo ang naging suporta nina Congresswoman Josephine "Nene" Ramirez-Sato, Governor Mario Gene Mendiola, Mayor Romulo "Muloy Festin", mga ilang Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan Members, maging ang Samahang Pangkasaysayan at Kalinangan ng San Jose (SAMPAKA) ay nakiisa rin sa pagdiriwang.

Pawang nagbigay ng mensahe ang mga panauhin na sina Cong. Nene, Gov. Gene at Mayor Muloy bilang pagkilala at paghanga sa mga beterano na nagsilbi sa bayan na pawang kaagapay ng Veterans Bank. Lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ng Philippine Veterans Bank sa katauhan ni Nonilo Cruz, PVB President at Chief Operating Officer sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta ng kanilang mga serbisyo. Tiniyak niya na magiging patuloy din ang kanilang natatanging serbisyo sa mga itinuturing mga bayani noon at mga mga bayani ng modernong panahon.
...PR Team San Jose
0
AGBILIWA 2018 PROVINCIAL TRADE FAIR, PORMAL NG NAGBUKAS

April 16, 2018

Naganap ang pormal na pagbubukas ng Agbiliwa 2018 Provincial Trade Fair noong April 16, 2018. Dinaluhan ito ng ating butihing punong-bayan Mayor Romulo “Muloy” Festin, Mr. Noel Flores - DTI Provincial Director, Mr. Emmanuel "Toto" Agustin. Isang mensahe ng pagsuporta at pasasalamat ang ibinigay nina Mayor Festin, Mr. Flores sa mga Small-Medium Enterprenuers sa patuloy nilang paglago at pagpapatuoy ng kanilang mga negosyo para sa kanilang pagunlad at gayundin ng bayan ng San Jose.

Isinasagawa ito upang maipakita at maibahagi ang natatanging produkto at mga likha ng mga maliliit na negosyante tulad ng mga souvenir items, food items, handicrafts, artworks, furniture, ceramics, plants and succulents, at iba pa. Bukod dito ito din ay naglalayon na maakit ang turista at negosyante na mag invest sa ating probinsya lalo’t higit sa bayan ng San Jose.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Lokal na Pamahalaang bayan ng San Jose sa pangunguna ni Mayor Romulo M. Festin. Ito ay mananatiling bukas para sa mga mamimili mula April 16, 2018 hangang May 2, 2018. Bukas sila mula ika-9 ng umaga hangang ika-10 ng gabi.

Ang participating booths ay ang mga sumusunod: San Jose Vendors Multi-purpose Cooperative, San Jose Corn Handicraft Association, Te And's Handicraft, Ligad Arts and Crafts, Obet Artworks, Kat's Sweets and Delicacies, Nonesa Paintings and Souvenirs ,Nicah’s Food Products, EZ Ceramicrafts, Dela Cruz Furnitures, Ning-ning's Garden, Santi's Garden, Province of Romblon, Puerto Princesa City, San Jose Food Products, Flora Delicacies, Calumpit Multi-Purpose Cooperative, Triple P Food Products, Richblitz Sweets, OMSC, New Hope Food Products, at ang Sukat Sandals ito ang mga sumusunod na makikita sa ating Agbiliwa na matatagpuan sa Plaza tabi ng Covered Court.
...PR Team San Jose
0
RICE & CORN PRODUCTION SCHOOL-ON-THE-AIR GRADUATION

April 10, 2018

Matagumpay na nagsipagtapos ang mga magsasaka na nagmula sa Brgy. Murtha, Mabini, at Central sa isinagawang School-on-the-air graduation ng Rice & Corn Production & Mechanization sa Brgy. Murtha. Dito, Nagkaroon na rin ng pagkakataon na ipaliwanag ni Mayor Romulo M. Festin sa harap ng mga magsasaka ang usapin hinggil sa Excise tax.

Aniya, ayon sa panuntunan ng Department of Budget & Management (DBM) ang LGU na may share sa excise tax ay hindi na pinahihintulutan na magbigay ng Financial Assistance. Ang kailangan umano ay post harvest facilities katulad ng traktora, harvester para sa registered tobacco farmers association , farm inputs / fertilizer para bawat isang magsasaka. Di na pwede ang pagbibigay sa bawat indibidwal na ng halagang P 15, 0000.00 katulad nang huling natanggap nila. Ang Punongbayan aniya ay hindi pinapayagang mamamahagi ng cash ayon sa Commission on Audit (COA)

Asahan umano na pagkatanggap ng pondong ibababa sa LGU San Jose, ay may matatanggap na 12 bags ng abono na nagkakahalaga ng P 15, 000.00 ang kada farmer na nasa masterlist ng National Tobacco Administration (NTA). Naging malinaw at naintindihan naman ng mga magsasaka ang naging direktiba ng DBM.
...PR Team San Jose
0
NBI Mobile Services sa San Jose
April 7, 2018 - Saturday

Isinigawa sa LGU San Jose ang NBI Mobile Services. Ang NBI Team na nagmula sa NBI Regional Office ay mananatili dito hangang bukas para sa mga nais magproseso ng kanilang NBI Clearance. Sa mga gustong kumuha, magdala lamang po ng dalawang valid ID o lumang NBI Clearance ninyo at maghanda ng P 215.00. Ang NBI Multi-purpose Clearance ay valid ng isang taon.

Muli naisakatuparan ang programang ito sa imbitasyon ni Mayor Romulo M. Festin sa pamamagitan ng Peso San Jose na pinamumunuan ni Josefina Septimo Villamar.
...PR Team San Jose
0
SAN JOSE HEALTH OFFICE NAKATANGGAP NG KAGAMITANG MEDIKAL
March 17, 2018

Nakatanggap ng mga kagamitang medikal sa pamamagitan ni Cong. Josephine Ramirez - Sato mula sa Department of Health ang Municipal Health Office ng LGU San Jose. Kasama rin sina Gov. Mario Gene J. Mendiola at Vice Governor Peter J. Alfaro sa isinagawang pagkakaloob ng mga kagamitang medikal tulad ng Autoclave table top, foot stool, instrument table, instrument tray with cover, IV stand, revolving stool, weighing scale (infant),weighing scale with height measuring stick, instrument cabinet, wheelchair, digital sphygmomanometer, nebulizer, fetal doppler at walker.

Pinasalamatan ni Mayor Romulo M. Festin ang napakalaking tulong nito para sa mamamayan ng San Jose para sa pagpapatuloy at lalo pang pagpapabuti ng serbisyong Medikal ng Pamahalaang Bayan ng San Jose. Nakalaan ito para lalo pang pag-ibayuhin ang maayos na kalusugan ng mga mga buntis at at kanilang sanggol na isisilang, masigurong malusog at masigla ang isang pamayanan.

Ikinatuwa rin ni Mayor Festin ang ibinalita ni Cong. Sato na plano niyang paglalagay ng Sea Ambulance na pangangasiwaan ng LGU San Jose para sa mga Island Barangays dito. Gayundin ang paglalagay ng mga Birthing Facility para sa mga Barangay na malayo sa MHO.
Ayon pa kay Cong. Sato, maglalaan din siya ng pondo para sa rehabilitasyon ng ilang mga Barangay Health Station dito sa bayan ng San Jose.

Ang mga suporta at biyayang natatatanggap ng Pamahalaang bayan ng San Jose ay naisakatuparan dahil sa nagkakaisang Liderato ng Lalawigan sa pangunguna ni Cong. Josephine Ramirez - Sato, Gov. Mario Gene J. Mendiola at Vice Governor Peter J. Alfaro .
...PR Team San Jose
1
DSWD'S GAPAS AWARD, MULING IGINAWAD SA LGU SAN JOSE
March 12, 2018

Masayang ibinalita ni Ms. Alice Cajayon, Head-Municipal Social Welfare and Development (MSWD) na nakatangap ang LGU San Jose ng Gawad sa Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Award. Ang bayan ng San Jose ang siyang napili sa regional level at naging representative ng MIMAROPA Region sa national level. Ang GAPAS Award ay iginagawad ng Department of Social Welfare and Development bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng lokal na pamahalaan sa maayos at magadndang pagpapatupad at pag-papasulong ng programa ng DSWD.

Lubos ang kasiyahan ni Mayor Romulo M. Festin sa natanggap ng bayan ng San Jose at kanyang pinasalamatan ang MSWD sa magandang pagsuporta at pagpapasulong ng programa na ibinababa ng national government. Kanyang ipinagmalaki at kinilala ang magandang pamamahala ng bayan ng San Jose sa pamamagitan ng MSWD. Ipinabatid ni Mayor Festin at MSWDO Cajayon ang pasasalamat at paghikayat sa lahat ng tagapagpasulong sa mga programa ng DSWD na patuloy na maging masigasig at maging masaya sa paglilingkod para sa bayan.
...PR Team San Jose
0
MIMAROPA RAA MEET OPENING PROGRAM
March 12, 2018

Opisyal nang nasaksihan ng lahat ang pagbubukas ng MIMAROPA RAA Meet 2018. Katulad ng inaasahan, dagsa ang manonood na nais sumaksi sa makasaysayang MRAA Meet 2018 dito sa bayan ng San Jose Lalawigan ng Occidental Mindoro. Matatandaang ang huling Regional Athletic Meet ay noon pang 1970 ginanap dito sa San Jose. Pagkatapos ng Apatnapu't walong taon ay ngayon lang muli nakapag-host ang lalawigan ng Occidental Mindoro. Ang MIMAROPA ay binubuo ng mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Palawan, Puerto Princesa City at Calapan City.. Humigit-kumulang Anim na libong mga atleta at coaches at mga bisita mula sa DepEd ang nandito para makiisa sa MRAA Meet 2018.

Panauhing pandangal sa naturang pagtitipon si Senator Loren B. Legarda. Humanga siya sa naging preparasyon na aniya'y kitang-kita ang kahandaan at pagiging organisado ng lalawigan. Kaya naman boung pagmamalaking binati niya at pinasalamatan ang mga lider ng ating lalawigan sa pangunguna ni Congresswoman Josephine Ramirez - Sato, Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Governor at Mayor Romulo M. Festin, pamunuan ng DepEd sa pangunguna ni Dr. Gilbert T. Sadsad, Regional Director, DepEd MIMAROPA Region.


...pr team san jose
0
2018 NATIONAL WOMEN'S MONTH CELEBRATION
March 12, 2018

"We make change work for women", ito ang naging tema ng pagdiriwang ng 2018 National Women's Month na ginanap sa Municipal Gymnasium, San Jose Occidental Mindoro. Naging mas espesyal ang pagdiriwang araw na ito dahil naging bisita ng mga kababaihan ng San Jose si Sen. Loren Legarda upang magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga kababaihan. Dumalo at sumuporta rin ang nagkakaisang liderato ng Lalawigan ng Occidental Mindoro at ng bayan ng San Jose sa katauhan nina Congresswoman Josephine "Nene" Ramirez-Sato, Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Governor Peter De Jesus Alfaro at Mayor Romulo “Muloy” M. Festin. Nagbigay din sila ng mensahe ng pagbati at pag-pugay sa mga kababaihan.

Nagbigay din ng mga seminar tungkol sa ng mga karapat at mga batas na magpo-protekta sa kapakanan at seguridad ng mga kababaihan. Bilang paggunita at pagkilala sa mga kababaihan binigyang daan ang pagpapakita ng talento at natatanging ganda ng mga kababaihan ng San Jose. Bukod dito nagbigay din ng mga kwento ng tagumpay ang ilan sa mga kababaihan kabilang na si Sen. Loren P. Legarda. Naging sentro ng mensahe ni Sen. Legarda ang mga magagandang balita hindi lamang para sa mga kababaihan bagkus ay para sa lahat. Nais ni Sen. Legarda ay patuloy na pagsulong sa pantay na karapatan para sa mga kababaihan.

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng women's month dahil narin sa pagtutulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Sally Lamoca at ng Municipal Social Welfare and Development ng San Jose sa pangunguna ni Ms. Alice Cajayon at sa tulong na rin ng LGU San Jose.
...PR Team San Jose
0
MC DONALDS SAN JOSE GROUND BREAKING
March 12, 2018

Isa na namang malaki at sikat na food chain sa bansa ang magbubukas dito sa bayan ng San Jose, ito ay ang MC Donalds na ngayon pa lang ay inaabangan na ng karamihan. Inaasahan itong matapos sa loob ng tatlong Buwan. Labis na ikinatutuwa at mainit na tinatanggap ni Mayor Romulo M. Festin ang mga investor na patuloy na dumarating dito sa bayan ng San Jose. Aniya, malaking tulong ang karagdagang trabahong naibibigay nito sa mga mamamayan ng San Jose.
...PR Team San Jose
0
WELCOME NIGHT FOR REGIONAL OFFICE STAFF AND GUESTS
March 11, 2018 - Pedro T. Mendiola Sr. Memorial National High School
...PR Team San Jose
0
WELCOME NIGHT FOR CALAPAN CITY DELEGATES
...PR Team San Jose
0
RIBBON CUTTING AND BLESSING OF SPORTS COMPLEX
March 10, 2018

Binasbasan na ang bagong Sports Complex na matatagpuan sa Pedro T. Mendiola Sr. Memorial National High School Compound sa pangunguna ni Msgr. Carlito Dimaano. Dinaluhan ito nina Cong. Josephine Ramirez – Sato, Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Governor Peter Alfaro, Mayor Romulo M. Festin at ilan pang mga opisyales dito sa lalawigan ng Occidental Mindoro, mga opisyales mula sa DepEd MIMAROPA at mga kinatawan mula sa iba't-ibang lalawigan ng MIMAROPA..

Sa Lunes, Ika-12 ng Marso, ang Occidental Mindoro Sports Complex ay opisyal ng gagamitin bilang pagbubukas ng 2018 MIMAROPA Regional Athletic Association Meet. Inaasahang dadagsain ito ng mamamayang sabik na masaksihan ang Opening Program ng MRAAMeet 2018.
...PR Team San Jose
0
TOBACCO FARMERS MEETING
March 8, 2019

Pinulong ang mga samahan ng mga tobacco farmers sa bayan ng San Jose upang pag usapan ang excise tax. Masayang ibinalita ni Mayor Romulo M. Festin at ng Municipal Agriculture office sa pangunguna ni Mr. Rommel Calingasan na naipasok na ang share ng LGU san Jose sa Excise Tax na nagkakahalaga na 93, 316, 012 pesos. Ang nasabing pondo ay ilalagak sa mga proyekto na pinili mismo ng mga tobacco farmers. Sa kabuuang badyet na ito ay maglalaan ng ng 8 milyon para sa tatlong registered tobacco farmers association upang ibili ng napili nilang post-harvest facilities na kung saan ay combine harvester na kinakailangan nila sa pagsasaka. Samantala ang halagang 6, 285, 000 naman ay ilalagak sa mga production inputs tulad ng abono na kung saan ay ibabahagi sa 419 na mga onion growers na natukoy ng National Tobacco Administration. Ang natitirang pondo naman ay ilalaan sa mga farm to market roads.

Bago ibaba ang pondo sa mga tobacco farmers na 8 milyon ay kinakailangan munang makapag pasa sila ng letter of intent o proposal para sa napili nilang post-harvest facilities para sa kanilang asosasyon. Lubos ang pasasalamat at pagkatuwa ng mga magtatabako dahil sila ay kasama sa mga pagdedesisyon at maging sa bidding at proseso ng pagbili ng mga equipment ay kabilang sila.
...PR Team San Jose
0
GROUND BREAKING CEREMONY OF OCC. MDO. PPO STANDARD BUILDING
March 8, 2018

Isinagawa ang ground breaking ceremony ng Occidental Mindoro Police Provincial Office Standard Building sa Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro ngayong araw na ito March 8, 2018. Ito ay dinaluhan at sinuportahan ni Mayor Romulo "Muloy" Festin at ng mga mataas na opisyal sa ating kapulisan mula sa PNP MIMAROPA Regional Office, kabilang dito ang naging panauhing pandangal na si Regional Director PRO MIMAROPA PCSUPT Emmanuel Luis D. Licup, Board Member Uly P. Javier bilang kinatawan ni Gov. Mario Gene J. Mendiola. Ang PNP Provincial Headquarters ay pinamumunuan ni Provincial Director PSSUPT Romie A. Estefa.
...PR Team San Jose
0
WELCOME NIGHT FOR ORIENTAL MINDORO DELEGATES
...PR Team San Jose
0
WELCOME NIGHT FOR PUERTO PRINCESA DELEGATES
...PR Team San Jose
0
WELCOME NIGHT FOR PALAWAN DELEGATES
...PR Team San Jose
0
MIMAROPA RAA MEET 2018: Agri-Trade and Tourism Fair
March 5, 2018 - San Jose Municipal Compound

Pormal na nagbukas ang MIMAROPA RAA MEET 2018 Agri-Tourism and Trade Fair ngayong Ika-5 ng Marso 2018 sa San Jose Municipal Compound. Ito ay pinangunahan nina Hon. Mayor Romulo “Muloy” Festin, Vice Mayor Rod Agas, DTI MIMAROPA Regional Director Joel Valera, DTI OIC-Provincial Director Noel Flores at Schools Division Superintendent Danilo Roxas. Ang pagbubukas nito ay kaugnay ng 2018 MIMAROPA RAA Meet na gaganapin sa bayan ng San Jose sa darating na Ika-12 hanggang Ika-16 ng Marso.

Isinasagawa ito upang maipakita at maibahagi ang natatanging produkto at mga likha ng mga maliliit na negosyante tulad ng mga souvenir items, food items, handicrafts, artworks, furniture, ceramics, plants and succulents, at iba pa. Bukod dito ito din ay naglalayon na maakit ang turista at negosyante na mag invest sa ating probinsya lalo’t higit sa bayan ng San Jose.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Provincial Government of Occidental Mindoro, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DepEd) at ng Lokal na Pamahalaang bayan ng San Jose sa pangunguna ni Mayor Romulo “Muloy” M. Festin. Ito ay mananatiling bukas para sa mga mamimili mula March 5, 2018 hangang March 17, 2018. Bukas sila mula alas diyes ng umaga (10:00 am) hangang alas diyes ng gabi (10:00 pm).

Ang participating booths ay ang mga sumusunod: San Jose Vendors Multipurpose Cooperative, San Jose Corn Handicraft Association, Te And's Handicraft, Ligad Arts and Crafts, Obet Artworks, Kat's Sweets and Delicacies, Noneza Paintings and Souvenirs ,Nicah’s Food Products, EZ Ceramicrafts, Dela Cruz Furnitures, Ning-ning's Garden, Santi's Garden, Paluan, Sta. Cruz, Province of Romblon, Province of Marinduque, Province of Oriental Mindoro, Province of Palawan, Calapan City, Puerto Princesa City.
...PR Team San Jose
0
NICANOR TORRES MULING IBINALIK BILANG PUNONG BARANGAY NG AMBULONG
March 5, 2018 - Monday

Pumabor ang desisyon ng korte kay Nicanor E.Torres upang muli siyang ibalik bilang Punong Barangay ng Ambulong. Matatandaang si Bienvenido E. Encarguez ang kasalukuyang nakaupo bilang Punong Barangay simula noong July 2017 base sa desiyong ipinalabas ng COMELEC Manila. Samantala, Sa pinakahuling desisyon naman ng Municipal Trial Court na may petsang March 1, 2018, inatasan ang COMELEC at DILG na muling siyang ibalik bilang Punong Barangay. Agad na isinagawa ang panunumpa sa katungkulan na pinangunahan ni Mayor Romulo M. Festin ngayong hapon sa kanyang tanggapan. Saksi ang COMELEC Officer na si Ms. Chona Magpantay, MLGOO Memvieluz Baurile, Barangay Affairs Coordinator Rolly Yayen at PR Team.
...PR Team San Jose
0
FIRE PREVENTION MONTH 2018 KICK-OFF ACTIVITY
March 1, 2018

"Ligtas na Pilipinas, ang ating hangad, Pag-iingat sa sa Sunog sa Sarili Ipatupad" iyan ang tema sa naganap na Kick-Off activity ng Bureau of Fire Protection na isinasagawa tuwing buwan ng Marso Nationwide. Nagsimula ang ang aktibidad sa isang motorcade na kung saan ang mga kalahok ay mula sa; Fil-Chi Fire Volunteer, Civil Aviation Authority of the Philippines, MDRRMO, Philippine National Police, Philippine Army, ARESCOM, Philippine Coast Guard, Maritime Police, REACT, Philippine National Red Cross, Brgy. Pag-asa, Brgy. San Roque, Brgy. Labangan at Municipal Local Government Operations Officer(MLGOO) Miss Memvieluz Baurile.

Bahagi rin ng programa ang panumpa sa kanilang mga tungkulin bilang mga fire fighter volunteers, isa rin sa mga aktibidad nila ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa sunog at mga dapat gawin para makaiwas sa sunog.
...PR Team San Jose
0
PINAL NA PABATID PARA SA MGA NAGTITINDA SA TALIPAPA
March 2, 2018

TALIPAPA OWNERS BINIGYAN NG PINAL NA PABATID PARA IHINTO ANG ILIGAL NA PAGTITINDA

Ipinaabot na sa mga Talipapa Owners ng 8 Barangay ang Ikatlo at Huling Pabatid Liham, noong biyernes. Ang Pabatid ay tungkol sa pagbabawal ng pagtitinda ng walang karampatang pahintulot mula sa pamahalaang bayan, partikular ang pagbebenta ng mga karneng hayop sa labas ng Pamilihang Bayan. Ito ay nag-aatas na istriktong tumalima sa mga batas na sumasaklaw sa nasabing gawain, tulad ng mga sumusunod;

1.) Municipal Ordinance No.814 "An Ordinance Regulating Meat Trade in the Municipality of San Jose"
2.)Republic Act No.10611"Food Safety Act of 2013"
3.)Republic Act No. 9296 "An Act Strengthening the Meat Inspection System in the Country and Ordaining for this Purpose of Meat Inspction Code of the Philippines and for other purposes" at ang
4.) Revised Local Revenue Code of the Municipality of San Jose

Matatandaang dalawang beses na napadalhan ng pabatid ang mga Talipapa Owners noong nakaraang 2017, kaya naman sa ikatlo at huling pabatid na ito, hinihikayat sila na ihinto na ang mga gawaing labag sa mga batas na nabanggit.

Nabanggit din sa pabatid na sila ay binibigyan na lamang ng hanggang ika-5 ng Marso, sa taong ito upang ihinto na at alisin ang kanilang mga iligal na paninda, at kusang loob na sundin ang nasabing ligal na batas. Ang hindi nila pagsunod ay may karampatang parusa na naayon sa batas.

Ang Pabatid Liham na ito ay naihatid sa pamamagitan ng binuong Task Force Against Illegal Meat Trade, na nahati sa dalawang grupo. Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO), MENRO, Sanitary Division ng Muncipal Health Office, PNP, Sangguniang Barangay at PR Team San Jose.
...PR Team San Jose
0
ESDA National TVET Erollment And Jobs Bridging Day
February 27, 2018

"Serbisyong Ramdam at Kapaki-pakinabang", ito ang tema sa naganap na TESDA Technical and Vocational Education and Training ( TVET) Enrollment And Job Bridging Day Ika-27 ng Pebrero 2018 sa San Jose Town Plaza Covered Court. Sa nasabing aktibidad, Labing-apat na Technical and Vocational Education and Training (TVET) Providers ang naimbitihan dala ang mga scholarship grants para ilapit sa mga nais mag-avail ng libreng Technical-Vocational Courses. At para naman sa mga Job Seekers na nagtapos ng TESDA, Labintatlo sa mga local Employers din ang naimbitihan.

Dagsa ang interesadong nag enroll at job seekers mula sa Bayan ng San Jose pati na rin sa mga karatig bayan. Isang malaking tulong ang nailapit ng Technical Education and Skills Development Authority, sa ating mga kababayang walang sapat na pantustos sa pag-aaral sa kolehiyo at sa mga kababayan Mindoreño na nagnanais makahanap ng trabaho, ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipag tulungan ng Public Employment Services Office (PESO) ng Lokal na pamahalaang bayan ng San Jose at ng Provincial Government ng Occidental Mindoro.
...PR Team San Jose
0
SAMAHAN NG QUINTAL ARAWATAN TUMANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE
February 26, 2018

Ipinagkaloob kanina sa Samahan ng Quintal Arawatan Association na pinamumunuan ni Pepito Embate ang livelihood assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Public Employment Services Office (PESO) ng LGU San Jose at 4IB 2ID Philippine Army. Ang kanilang natanggap na iba't-ibang paninda para sa kanilang General Merchandise ay nagkakahalaga ng P 497, 156.20.

Pinayuhan ni Mayor Muloy ang asosasyon na sinuping mabuti at palaguin ang ayudang ipinagkaloob sa kanila. Patuloy rin niyang hinihikayat ang iba pa na bumuo ng asosasyon para ang kagyat na tulong mula sa gobyerno ay naibibigay sa kanila.
...PR Team San Jose
0
1.8 MILYONG HALAGA NG LIVELIHOOD ASSISTANCE IPINAMAHAGI
February 21, 2018

Humigit kumulang 1.8 Milyong halaga ng pangkabuhayan packages ang naibahagi sa tatlong maswerteng community organized associations bilang pagsisimula ng kanilang negosyo. Computer shop sets and school Supplies para sa Nagkakaisang Mamamayan ng Batasan Association; General Merchandise naman para sa Samahang Maralita Ng Brgy. Bubog Association; at Bakery naman ang para sa Labangan Poblacion Small Scale Association.

Ang programang ito ay nabuo sa patnubay ng Philippine Army na pinamumunuan ni LTC. Dennis C. Gutierrez - Batallion Commander 4IB 2ID at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng San Jose, Public Employment Services Office (PESO) na pinamumunuan ni Josefina Septimo Villamar at ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang Grant na humigit kumulang 1.8 Million ay nag mula sa DOLE, walang hinihinging balik puhunan kundi dapat na ito ay palaguin ng mga Grantees.

Samantala, ang Philippine Army sa pamamagitan nina 1st Lt. Ruben E. Gadut, PFC Lerma D. Bulaklak na nakatalaga sa naturang programa at ang DOLE ang magmo-monitor kung ang negosyo packages na ipinagkaloob sa mga binuong Asosasyon ay umuunlad o lumalago na. Dumating din si Brigadier General Antonio Parlade JR., Commander ng 203rd Brigade ng 2ID, Philippine Army bilang espesyal na panauhin nang makling programang isinagawa sa San Jose Town Plaza.

Hinikayat naman ni Mayor Romulo Festin sa kanyang mensahe, ang ilan pang mamamayan na bumuo ng grupo o asosasyon para ang ayuda mula sa pamahalaan ay kagyat na naibabahagi sa kanila para sa ikaangat ng antas ng kanilang kabuhayan.
0
EARTHQUAKE DRILL 2018
Feb. 15, 2018

MDRRMC. IKINASA ANG 1ST QUARTER EARTHQUAKE DRILL SA DIVINE WORD COLLEGE OF SAN JOSE
-Mecka V. Castillo

Isinagawa ang 1st quarter National Earthquake Drill sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni Engr. Gil O. Gendrano katuwang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni Insp. Menandro Encapas, Phil Coast Guard, Phil. Army, Arescom, Phil. Maritime Police, React, LGU Quick Response Team, PR Team at Municipal Health Office (MHO). Ikinasa ang pagsasanay sa Divine Word College of San Jose na dinaluhan ng humigit kumulang 2,500 na estudyante, mga guro, kawani at opisyal ng paaralan. Ikinasa ang gawaing ito upang malinang ang kahandaan sa pagdating ng sakuna gaya ng lindol upang maiwasan ang malaking pinsalang maaring dulot nito sa buhay ng tao, kagamitan at gusali at magbigay kaalaman sa mga indibidwal kung ano ang tamang gawin sa pagdating nang sakuna.
Pagpatak ng alas-dos ng hapon ay narinig ng bawat isa ang paghiyaw ng sirena na naging hudyat upang isagawa ng mga partisipante ang “dock-cover-hold” technique at nang matapos ito ay nakalinyang lumabas ang bawat estudyante, mga guro, kawani at opisyal ng paaralan sa kani-kanilang silid at agad tumungo sa open field na itinalaga ng upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa mga maaring dulot ng after shocks. nang makarating ang mga partisipante sa open field agad silang naghead count upang malaman kung may nawawalang indibidwal na maaring naiwan sa silid. Sa sama-samang pwersa ng MDRRMC ay agad silang rumespunde sa nasabing pangyayari. Isa-isang itinalaga ni Incident Commander Engr. Gil O. Gendrano ang bawat rescuer sa mga gusaling inireport ng mga guro ukol sa nawawalang idibidwal. Ganap naman na alas-tres ng hapon ay nairescue ang Tatlumpong (30) estudyante na naitalagang maging biktima ng nasabing lindol.
Matiwasay na nagtapos ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagtatasa ng mga naganap sa pagsasanay. Lubos naman ang pasasalamat ng MDRRMC sa Divine Word College of San Jose sa kanilang partisipasyon sa nasabing pagsasanay.
...PR Team San Jose
0
PULONG KONSULTASYON SA MGA KATUTUBO MATAGUMPAY NA NAIDAOS
February 20, 2018 - Monday

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Konsehal Ding "Talon" de Jesus - Indegenous Peoples Mandatory Representative sa hanay ng kasundaluhan at sa pamamatnubay ng National Commission on Indigenous People o (NCIP), matagumpay na naidaos ang isang pulong konsultasyon sa mga katutubo sa Barangay Murtha na may temang "Kapayapaan tungo sa Kaunlaran".

Layon ng naturang malakihang pulong talakayan na direktang maipaabot ng mga katutubo ang kanilang mga saloobin sa iba't-ibang isyu na nakakapekto sa kanilang pamumuhay, basikong pangangailangangang nais nilang matugunan ng lokal na pamahalaang bayan, at mga karapatan ng mga katutubo sa ilalim ng Batas ng Republika 8371 o “Indigenous Peoples Rights Act of 1997” IPRA Law na ipinaliwanag ng panauhing pandangal na si Atty. Melanie P. Pimentel - Senior State Solicitor.

Mahalagang aspetong nakamit din sa naganap na pakikipagtalastasan ay ang tamang impormasyong naipaabot ng Philippine Army sa pamamagitan ni LTC Dennis C. Gutierez - Battalion Commander 4IB. Ipinaliwanang niya ang kasaalukuyang estado ng insurgency, Identified Active NPA Mangyan, NPA's Human Rights Violation at mga programa at aktibidad ng 4th Infantry Battalion Philippine Army katulad ng pagpapatnubay sa pagbuo ng samahan sa pamayanan para mabigyan ng tulong pangkabuhayan, pakikipag-ugnayan sa mga negosyante, Medical mission, feeding program, aktibong pagbisita at pakikipagkamustahan nila sa mga komunidad sa adhikaing mapalapit sila sa mga katutubo at tuluyang mapawi ang takot, pagkailang at pangamba ng mga ito.
...PR Team San Jose
0
KASALANG BAYAN 2018
February 14, 2018 - Wednesday

Isang romantikong pagdiriwang ng araw ng mga puso ang nasaksihan dito sa bayan ng San Jose sa pamamagitan ng Kasalang bayan 2018 bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month. Naging isang mahalaga at natatanging araw ito sa 338 pares ng mga magkasintahan at nagsasama nang hindi pa kasal sapagkat sila ay naikasal ng libre. Ang makasaysayang okasyong ito ng legal na seremonya ay pinamunuan ni Mayor Romulo M. Festin. Sinabi niyang ang pamilya ay pundasyon para sa magandang kinabukasan. Pinaalalahanan rin niya ang mga bagong kasal na maging matapat sa kanilang sinumpaan at bumuo ng pamilyang matiwasay. Ilan pa sa mga tagubilin na iniwan ng Punongbayan upang maging matatag at mapayapa ang pagsasama ay ang wastong pangangalaga sa pananalapi, pagkakaroon ng tiwala at respeto sa isa’t isa. Masayang umuwi ang mga bagong kasal dahil bukod sa legal na silang mag-asawa ay nag-uwi pa sila ng mga regalo mula sa nagsilbing mga Ninong at Ninang nila na si Congresswoman Josephine Ramirez – Sato, Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Mayor Rod Agas kasama ang mga Sangguniang Bayan Members. Matagumpay na naisakatuparan ang naturang programa sa pangunguna ng Municipal Civil Registrar at Public Relations Office ng LGU San Jose.
...PR Team San Jose
0
TESDA SCHOLARS GRADUATION CEREMONIES
February 9, 2018 - Friday

Umabot ng 245 ang nagtapos na iskolar kanina sa idinaos na Graduation Ceremonies sa ilalim ng Skills Trainings for Mindoreños Advancement (SMA) Program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na isinagawa sa San Jose Municipal Gymnasium. Mula ito sa mga programa ng TESDA na Skills Trainings for Employment Program (STEP), Training for Work Scholarship Program (TWSP), Private Education Scholarship & Financial Assistance (PESFA). Sinaksihan nina Mayor Romulo Festin, TESDA Provincial Director Armando O. Aquino Mand's Orejas Aquino, Mr. David Arnold P. Barrios - President Association of Private TVI's at mga kinatawan mula sa mga Technical Vocational Institutions ang naganap na pagtatapos. Naisakatuparan ang naturang programa sa pamamagitan ni Senator Loren Legarda, Akbayan Partylist Congressman Tomasito Villarin, Congresswoman Josephine Ramirez - Sato, at sa walang sawang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan nina Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Governor Peter J. Alfaro at Mayor Romulo M. Festin ng Pamahalaang Bayan ng San Jose. Bukod sa natanggap na Training Certificates at Certificate of Competency,pinagkalooban din ng Allowance at Starter toolkits ang mga nagtapos na nagmula sa Capt. Lawrence A. Cooper Technical College, Inc San Jose & Mamburao Branch - Perform Gas Engine Tune-up, Perform Diesel Engine Tune-up, Service Automotive Electrical Components, Primera Escuela Teknikal Para Ayuda, Inc - Tile Setting NC II, Rubiks Manpower Training Center, Inc - Tourism Promotion Services NC II, I-Net Asia Technological School, Inc. - Mechatronics NC II.

Labis ang pasasalamat ng mga nagtapos sa pagkakataong makapag-aral ng libre at makapagsimula ng hanap-buhay. Ramdam umano nila ang pagkalinga at malasakit ng pamahalaan sa pamamagitan ng TESDA para mailapit ang mga kapaki-pakinabang na programa sa kanilang mga nangangailangan.
...PR Team San Jose
0
BJMP SKILLS TRAINING IN FOOD PROCESSING OPENING CEREMONY
Febraury 8,2017

Sa pangunguna ni BJMP Warden Jail Inspector Efren S. Olivar, Sinimulan sa isang Opening Ceremony Program, noong Martes February 6,2017, ang isinasagawang Food Processing Training para sa mga Inmates ng BJMP. Ang nasabing Training ay sa inisyatibo ni Inmates Welfare and Development Jail Officer 1 Archie Familara , sa pkikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), DepED Alternative Learning System, Occidental Mindoro State College at ng Local Government Unit of San Jose, sa pamumuno ni Mayor Romulo M. Festin. Ang Training ay nagtagal ng dalawang araw,at may humigit kumulang 35 trainees. Ang nagbigay ng pagsasanay sa Food Processing ay si Mrs. Berbina Labalan, Food Processing Instructor ng Alternative Learning System o ALS. Ang training na gaya nito ay isang Quarterly Program ng Inmates Welfare and Development ng BJMP, na kung saan ito ay naglalayong mabigayan ng kasanayan at kaalaman ang ating mga kapatid na Inmates ng BJMP, at para mabigyan sila ng sandatang magagamit para sa kanilang pagsisimula ng kanilang pagbabagong buhay sa oras na sila ay makalaya.
...PR Team San Jose
0
HENLIN SAN JOSE BRANCH BLESSING
February 7, 2018

Pinangunahan ni Mayor Romulo M. Festin kasama ang ilang SB Members ang ribbon cutting ng Henlin San Jose Branch na matatagpuan sa Mabini St. San Jose, Occ. Mdo. Ang opening ay February 8, 2018.
...PR Team San Jose
0
Aroma Beach Boardwalk
Sisimulan na sa lalong madaling panahon ang napakalaking proyekto na Aroma Beach Boardwalk sa Brgy. San Roque dito sa bayan ng San Jose. Kaugnay nito ay nagbigay na ng ultimatum ang LGU San Jose sa mga may-ari ng cottages dito sa Aroma Beach para lisanin na nila ito at mabigyan ng daan na pasimulan at tapusin ang proyektong ito. Ayon sa LGU San Jose, sapat na ang isang (1) taong palugit na ibinigay sa kanila upang ito ay tuluyan ng lisanin. Ang Aroma Beach Boardwalk project ay nilaanan ng pondo ng Provincial Government at ng Department of Tourism sa ilalim ng Congresswoman's Office.
0
SCAFFOLD ERECTION NCII GRADUATION
January 31, 2018

Maluwalhating nagtapos ang humigit kumulang 43 Trainees mula sa halos Isang Buwang Training sa Kursong “Scaffold Ercetion NCII”. Isang Graduation Ceremony ang ginanap na may temang “Sa Kalidad na kasanayan Ibayong Kaunlaran” sa Gymnasium ng Brgy. Central, San Jose noong January 31, 2018. Sila ang ikalawang batch na nagtapos sa programang inilunsad ng DSWD, katuwang ang Municipal Social Welfare Development at Local Government ng San Jose. Kasama rin ang Probaton bilang Provider ng Training sa pamamagitan din ng TESDA. Ito ay naglalayong matulungan ang mga mamayan na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay kasanayan o trainings sa ilalim ng 4P’s program na inilunsad ng DSWD. Ang mga nagtapos ay tatanggap ng 1 set na starter kit, isang pares ng safety shoes at Employment Assistance Fund na nagkaka halagang 5,000.00 pesos na magagamit nila para mag asikaso ng papeles para sa kanilang pag aaply sa trabaho.
...PR Team San Jose
0
CIVIL REGISTRATION MONTH 2018
February 1, 2018 - Thursday

Pinangunahan ng Municipal Registrar's office ang Motorcade bilang hudyat ng pagsisimula ng Civil Registration Month ngayong buong buwan ng Pebrero. Ito ay may temang "#Napapanahong CRVS". Kaugnay nito, sunod-sunod na aktibidad ang nakalinya para sa naturang selebrasyon. Magsasagawa ng Mass Wedding na pangungunahan ni Mayor Romulo M. Festin sa darating na February 12, 2018, Free Registration sa February 28, 2018, Mobile Registration sa Brgy. Naibuan sa February 21, 2018, at sa ilan pang Barangay dito sa bayan ng San Jose. Inaanyayahan ng MCR ang lahat ng mga magulang na may mga anak na hindi pa rehistrado sa kanilang tanggapan na samantalahin ang pagkakataong ito.
...PR Team San Jose
0
2018 TESDA MIMAROPA SERVICES ON WHEELS
February 1,2018 - Thursday

Bumisita dito sa bayan ng San Jose si Regional Director Carlos C. Flores - TESDA MIMAROPA Region para sa programa ng "Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na Services on Wheels at may temang "Sa serbisyong Tatak TESDA Ikaw ang una at Bida sa Rehiyon MIMAROPA".Layon ng naturang programa na mailapit ang kanilang mga serbisyo sa komunidad. Mapabilis ang pagproseso ng anumang papeles sa kanilang ahensiya. Isa pa sa mahalagang aktibidad ay ang paglulunsad ng Skills & Livelihood Training Program for Special Sector katuwang ang Occidental Mindoro State College (OMSC), Department of Education - Alternative Learning System at Bureau of Jail Management & Penology (BJMP). Sa panayam kay RD Carlos C. Flores, ibinalita niyang mas maraming Technical and Vocational Education and Training (TVET) Scholarship ang nakalaan para sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Kaya naman hinihikayat niya ang lahat ng mga interesado na makipag-ugnayan lamang umano sa opisina ng TESDA. Asahan din aniya ang pagtatayo ng dalawang TESDA Assessment Center sa bayan ng Rizal at Mamburao. Makikipag-ugnayan din siya sa asosayon ng Technical Vocational Institutions (TVI's) at asosasyon ng TVET Trainers & Assessors.
...PR Team San Jose
0
SGT. ANGELITO D. MAGBUDHI BINIGYAN NG PARANGAL
January 29, 2018 - Monday

Binigyan ng pagkilala at parangal ng Lokal na Pamahalaang bayan ng San Jose si Sgt. Angelito De Mesa Magbudhi ng First Scout Ranger Regiment - Philippine Army Special Operations Command Unit. Dahil ito sa kanyang kabayanihan at determinasyong ipaglaban ang Marawi sa kamay ng mga terorista sa panahon ng kaguluhan sa Marawi City. Si Sgt. Angelito D. Magbudhi, Dalawampu't Walong taong gulang (28) na tubong Ilin Proper ay Walong taon na sa serbisyo ng Philippine Army Special Operations Command Unit at na destino na sa Basilan, Jolo Sulu, Surigao, Samar, Dipoplog, Mt. Ipil and Marawi City. May 24, 2017 kasama siya sa unang tropa na ipinadala sa Marawi para masawata ang ginawang pananakop ng Maute group sa Marawi City. Bagamat nagtamo ng tama ng baril sa likod noong July 23, 2017 ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pakikipaglaban at hindi pinanghinaan ng loob sa pagkasawi ng karamihan sa kanyang mga kasamahan. Nanatili siya sa Marawi City sa loob ng Limang Buwan hanggang makuha ng pwersa ng mga militar ang Marawi sa kamay ng mananakop na Maute group. January 16, 2018 sa bisa ng mosyong inihain ni Konsehal Joel G. Aguilar sinegundahan ng kapwa Sangguniang Bayan kasama si Vice Mayor Rod Agas, Mayor Romulo M. Festin ay inaprubahan ang pagbibigay ng plaque of commendation kay Sgt. Angelito De Mesa Magbudhi. Pinagkalooban din siya ni Mayor Romulo M. Festin ng Cash incentive.
1
CONCRETING OF OMSC ROAD TO BRGY 3 GROUNDBREAKING
January 16, 2018 - Tuesday

Pinasalamatan ni Dr. Marlyn G. Nielo – OMSC President si Mayor Romulo M. Festin para sa bagong proyektong pagkokontreto ng daan mula sa OMSC Labangan palabas ng Brgy. 3. Malaking tulong umano sa kanila ang pagsasaayos ng alternatibong daan na ito. Matindi umanong trapiko ang nararanasan nila sa Brgy. Labangan Hi-way. Ayon naman kay Mayor Festin, sagot din ang alternatibong daan na ito para iwas aksidente ang mga estudyante sa National Hi-way. Ang pagkokonkreto ng daan ay inaasahang matapos sa loob ng Walong buwan sa pamamahala ng Blacer Construction Corporation.
...PR Team San Jose
0
NIA STAKEHOLDERS' FORUM- REGION 4B
January 23, 2018

Isang pagpupulong ang pinagunahan ng National Irrigation Association, kasama ang Local Chief Executives ng bawat bayan, na dinaluhan naman ng mga lider ng Irrigation Associations mula sa iba't-ibang bayan. Sa temang: "NIA at magsasaka magkatuwang sa ginhawa", layunin nito na ilatag sa ating mga magsasaka na pumupuno sa isa sa mahahalagang sektor at industriya ng ating bansa, ang agrikultura, ang mga pagbabago sa mga existing programs ng ahensya, at ang kanilang mga upcoming projects alay para sa magandang sistema at mas mabuting pamamahala ng ating patubig. Personal rin itong dinaluhan ni Mayor Romulo Festin ng San Jose, Mayor Angelina Tria ng Mamburao, at mga representatives mula sa iba't-ibang ahensya at organisasyon, tulad ng Philippine Army, Philippine National Police, at Apostolic Vicariate of San Jose. Bahagi rin ng programa ay ang paglagda sa kasunduan na nagpapahayag ng suporta para sa mga magsasaka at sa proyekto ng NIA.
0
BLESSING AND INAUGURATION OF PANDURUCAN BRIDGE

December 15, 2017 - 4:00 pm

Sa makasaysayang araw ng liberasyon ng Bayan San Jose ay pormal ng binuksan at pinasinayaan ang Pandurucan Bridge. Pinangunahan nina Congresswoman Josephine Ramirez - Sato, Governor Mario Gene J. Mendiola, Vice Governor Peter J. Alfaro, Mayor Romulo M. Festin, Sanggunian Panlalawigan Members at Sangguniang Bayan Members. Matatandaang noong May 22, 2017, isinara ang Pandurucan Bridge para sa nakatakdang total construction nito pagkatapos na maitayo ito noong 1950. Ang PLERM Construction & Development Corporation ang namahala sa pagsasagawa nito. Ang Pandurucan bridge ay may habang Isangdaan at limampung metro. Ang mga railings at ang magkabilang approach nito ay may habang 90 meters at 120 meters.Humigit kumulang sa Isangdaan at apatnapung milyong piso (140M) ang pondong inilaan sa pagsasagawa ng bagong Tulay ng Pandurucan.

Masayang ibinalita naman ni Congresswoman Josephine Ramirez - Sato na may Phase II pa para sa pagpapaganda ang tulay ng Pandurucan na aniya'y magiging isang atraksiyon dito sa bayan ng San Jose.
...PR Team San Jose
0
NORTH BOUND TERMINAL BUKAS NA
JANUARY 16, 2018

Inilipat na sa iisang lugar ang terminal ng van simula kahapon January 15, 2018. Resulta ito ng napagkasunduan ng mga Van Operators sa isinagawang pagpapatawag sa kanila kamakailan ni Mayor Romulo M. Festin na pinangunahan ng Municipal Planning and Development Office. Ang Pacunla Terminal ay matatagpuan sa likod ng Andrews Patrick Building sa Bagong Silang Barangay San Roque na siyang magsisilbing San Jose North Bound Van Terminal. Layunin ng pagsasaayos ng Terminal na mapaghandaan ang nalalapit na pagdaraos ng MIMAROPA- RAA dito sa bayan ng San Jose, gayundin upang mapaluwag ang daloy ng trapiko lalo pa't kasalukuyang isinasagawa ang road widening sa mga pangunahing kalye sa Poblacion area.
...PR Team San Jose
0
Tumanggap ng Social Pension kahapon ang mga senior citizens mula sa Dalawangpu’t isang (21) Barangay dito sa bayan ng San Jose, Ito ay nagmula sa mga Barangay ng Monteclaro, Batasan, Murtha, Bagong Sikat, Labangan Ilin, Labangan Poblacion, Pag asa,Poblacion 1 hanggang 8, San Roque 1, Caminawit, Catayungan, Pawican at Natandol. Umabot ng humigit kumulang 1,899 Senior Citizens ang tumanggap ng kanilang pension. P 500.00 kada buwan ang nakalaan sa bawat pensioner, kung kaya’t sa 3 buwan simula noong Oktubre hanggang Disyembre ay may kabuuan P 1.500.00 ang tinanggap kahapon para sa 4th quarter ng 2017. Ang halagang tinanggap ng mga senior citizens ay nakalaan na pandagdag sa kanilang pagkain, medisina at bitamina . Umaasa ang Lokal na pamahalaang bayan ng San Jose na malaki ang maitutulong nito sa mga pangangailangan ng mga matatanda dahil kahit papaano ay may pangtustos na ang mga ito sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw. Ang programang ito ay patuloy na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng San Jose sa pamamagitan ni Mayor Romulo M. Festin, pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Ms. Alice Cajayon katuwang ang Municipal Treasurers Office sa pangunguna ni Mr. Ricarte Aguilar.
...PR Team San Jose
0
Sa pagbubukas ng taong 2018 muling inilapit ng PESO ang PRC Mobile Services sa ating mga kababayang San Joseño. Ito ay isa sa mga serbisyong hatid ng Lokal na pamahalaang bayan ng San Jose at ni Mayor Romulo M. Festin, Katuwang ang Public Employment Services Office(PESO) na pinamumunuan ni Gng. Josefina Villamar.

Humigit kumulang sa 900 ka tao ang naserbisyuhan ng nasabing PRC Mobile Services noong January 6-7, araw ng sabado at lingo taong kasalukuyan. Ilan sa mga dumagsa sa ating tanggapan ay hindi lang mga taga San Jose, kundi pati na rin mga taga karatig bayan. Ilan sa mga serbisyong naihatid ng Philippine Regulatory Commission (PRC) ay ang Filing for Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) na gaganapin sa darating na March 25,2018, Renewal of PRC Licenses, pati na rin ang pagkuha ng mga PRC I.Ds’.
...PR Team San Jose
0
NAIBUAN ISA NG GANAP NA BARANGAY DAHIL BOTONG OO PANALO
January 5, 2018

Magiging ganap na Barangay na ang Naibuan, Ito ay pagkatapos manalo ang OO o pumapayag na may kabuuang botong 1182 sa plebisitong isinagawa kumpara sa botong Labingsiyam (19) na bumoto ng NO o hindi payag. Ang rehistradong botante sa Barangay Batasan ay 2,705, ang aktuwal na nakaboto ay 1206. Sinagot ng mga residente ng Brgy. Batasan ang tanong na nasa balota kung pumapayag ba silang magkaroon ng Brgy. Naibuan. Ang bagong Barangay ng Naibuan na magiging hiwalay na barangay na sa Brgy. Batasan ay binubuo ng Labinlimang Sityo. Ang Lagnas, Naibuan, Ibanag, Hobkob, Abong, Malumak, Kianay, Libertad, Lowaliw, Ilya, Yabat, Salidang, Upper Koywan, Dayaga at Timbangan. Sa pangunguna ni Ms. Chona C. Magpantay – Election Officer COMELEC kasama sina Mr. Ricarte Aguilar – Municipal Treasurer at Mr. Eduardo A. Domingo – DepEd Supervisor, bilang mga miyembro Plebiscite Board of Canvassers, Opisyal nang ideneklara na magiging bagong Barangay ang Naibuan sa isinagawang canvassing ng resulta ng plebisito sa Sangguniang Bayan Session Hall.
...PR Team San Jose
0
Bakas ang kasiglahan sa halos lahat ng residente ng Brgy. Batasan sa pagtungo sa kani-kanilang presinto para bumoto kung payag ba silang maging bagong Barangay ang Naibuan. Ang Naibuan ay kinabibilangan ng mga katutubong Mangyan na kabilang sa tribung Hanunuo at Buhid. Ganap na Alas 7 ng umaga nagsimula ang plebisitong isinagawa hanggang Alas-tres ng hapon. May kabuuang 1,128 ang rehistradong botante sa Naibuan, Ang tugtugin naman ay may 598 rehistradong botante at ang batasan ay may 979 rehistradong botante. Walo ang presintong pinagdausan ng plebisito mula sa Batasan Elementary School, Tugtugin Elementary School at Naibuan Minority School. Sa kabuuan, mapayapang naidaos ang plebisito dahil walang anumang naitalang di magandang insidente dahil na rin sa presensiya at pagbabantay ng hanay ng kapulisan sa pangunguna ni P/SUPT Julius Y. Bernados – OIC San Jose Municipal Police Station at Philippine Army na pinamumunuan ni Battalion Commander Lt. Col. Dennis Gutierrez at sa pakikisa ng lahat ng mamamayan.
...PR Team San Jose
0
January 3 - 20, 2018

Muli na namang naglunsad ang Pamahalaang Bayan ng San Jose ng Business One Stop Shop (BOSS) na nagsimula noong Ika-3 na magtatagal hanggang Ika-20 ng Enero 2018. Layon nitong mapagsilbihan ng mabilis ang mga negosyanteng kukuha at magre-renew ng kanilang business permit. Dahil ang BOSS ay nagsisilbing One Stop Shop na kung saan ang lahat ng opisina at ahensiyang kailangan ay nakapwestong lahat sa Municipal Lobby para sa madaliang pagpoproseso. Ang BOSS ay binubuo ng mga ahensiya ng Social Security System (SSS), Philhealth, Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI),Bureau of Fire Protection (BFP), Solid Waste Management Office, Municipal Planning and Development Office, Municipal Engineering Office, Treasurers Office at Municipal Health Office - Sanitary Division na kung saan ang mga nakatalagang kawani dito ay magalang at mabilis na inaasikaso ang bawat kliyente.
...PR Team San Jose
0
121st Anniversary of the Martyrdom of Rizal

December 30, 2017, Mayor Romulo M. Festin leads the commemoration of the 121st anniversary of the martyrdom of the Philippines' national hero, Dr. Jose Rizal in San Jose, Occidental Mindoro.

Jose Rizal was an ophthalmologist and a writer who wrote the books "Noli me Tangere" and "El filibusterismo" that exposed the Spanish for the harsh rule and human violations against the Filipino people. He was eventually arrested, convicted and executed by a firing squad on December 30, 1896. (Google)
...Tourism San Jose
4

Sa mismong araw ng pasko, naglaan ng oras ang ating butihing Punongbayan Romulo "Muloy" Festin, upang mamigay ng mga regalo sa ating mga kapatid na katutubo. Kasama sina Kon. Dra. Myrna Zapanta, at Kon. Mercy Alvaran, namahagi si Mayor Muloy ng cash gift, grocery items, at mga laruang pambata, upang iparamdam sa ating mga katutubo na sila ay hindi nalilimutan.
...PR TEAM SAN JOSE
5
Dept. of Tourism - MIMAROPA Region inspection for accreditation of different tourism-related establishments in San Jose, Occidental Mindoro with Ms. Elizabeth Viray and Ms. Jocelle Valera.

June 13, 2017
...Tourism San Jose
0
June 13, 2017

Dept. of Tourism - MIMAROPA Regional Dir. Danilo B. Intong conducting Tourism Awareness Seminar with the Municipal Tourism Officers of Occidental Mindoro at JDS Hotel, San Jose, Occidental Mindoro.
...Tourism San Jose
0
June 13, 2017

Department of Tourism - MIMAROPA Regional Director Danilo B. Intong conducting assessment of White Island, Santisima Church, Inasakan Beach, Grace Island Resort, and Devil's Mountain, as part of the preparation for the upcoming MIMAROPA Regional Athletic Association Meet to be held at San Jose, Occidental Mindoro on February 2018, with Mr. Domenic Contreras, Ms. Gladys Quesea, and Ms. Michelle F. Rivera.
...Tourism San Jose
0
The Local Government Unit of San Jose, under the administration of Hon. Romulo M. Festin, spearheaded the celebration of one of the most significant dates in the Philippine’s history, the 119th Independence Day with this year's theme, "Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin”. Philippine independence was formally proclaimed on June 12, 1898 with the reading of the Proclamation of Independence in Kawit, Cavite, prepared and read by Ambrosio Rianzares Bautista and was signed by 98 delegates, including General Emilio Aguinaldo.

June 12, 2017
San Jose Municipal Compound
...Tourism San Jose
0
Now open!

Beanleaf Coffee Shop and Restaurant
Coffee • Tea • Connect
San Jose Mindoro Branch
Located at Aroma Beach, in front of San Jose Airport, Airport Rd., Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro.
Owners: Mr. Rey and Mrs. Nets De Lara
Operations Manager: Mr. Joel Tambagahan
VP, Franchise Development: Mr. Peter Paul Mendoza

June 8, 2017
...Tourism San Jose
0
Arkiyoloji at Kasaysayan ng Mindoro Island

June 2, 2017 - Friday

Archaeological Studies Program, University of the Philippines - Diliman headed by Dr. Alfred Pawlik - Associate Professor/Scientist II, with his members, Ms. Jane Carlos, Mr. Riczar Fuentes, Ms. Kate Lim, Ms. Cath King, Ms. Bea Ferreras, Ms. Annie Valera, and Mr. Armand Pagulayan, in coordination with the San Jose Municipal Tourism Office, conducting a meeting with the local representatives of San Jose (SB Members, MENRO, CENRO, MPDO, MDRRMO, PR Team, TCP, NCIP, IP Purok leaders, and the local historian) about the recent findings of the EMERGING INTERDISCIPLINARY RESEARCH PROJECT: PALEOENVIRONMENTAL AND BIODIVERSITY STUDY OF MINDORO ISLAND.

The archaeological excavations were conducted in Ilin Island and have multi-disciplinary research with local collaborators - Natural Sciences Research Institute, Institute of Environmental Science and Meteorology, the National Institute of Geological Sciences, and National Museum of the Philippines. This research project is designed to identify traces of early human colonization of the Philippine archipelago, how changes in landform and sea levels might have influence the mobility of human populations, and how they utilize an adapted to the different environments they encountered on Mindoro.
...Tourism San Jose
0
PAMAGUHAN SA PANDURUCAN HARVEST FESTIVAL 2017
"Pamaguhan" originated its name from a Mangyan word of hanunuo tribe meaning "Salu-salo" and "Pandurucan" derived from the old name of San Jose. It is an agri-tourism fair featuring best dressed booth competition with the theme, "Sama-samang Pasasalamat at Pagdiriwang sa Isang Masaganang Ani" which shows thanksgiving for nature's bountiful harvest and serene living. It is part of the celebration of the 107th Founding Anniversary of the town, in line with the celebration of the feast, in honor of our Patron Saint Joseph, the Worker. This 5-day festivity is celebrated every year from April 27 to May 1, where everyone is free to eat in a boodle fight style-symbolizing unity and camaraderie.
WINNERS:
Champion: Brgy. Murtha
1st Runner-up: Brgy. Ansiray
2nd Runner-up: Brgy. Batasan
CONSOLATION:
Brgy. Central
Brgy. Mangarin
Brgy. Mapaya
Brgy. Monteclaro
SPECIAL AWARDS:
Biggest Langka: Brgy. Central (29.8 kg)
Biggest Kalabasa: Brgy. Murtha (6.8 kg)
Biggest Mangga: Brgy. Central (700 g)
Biggest Sibuyas (Red): Brgy. Mapaya (250 g)
Biggest Kamote: Brgy. Central (980 g)
Biggest Gabi: Brgy.Batasan (1.4 kg)
Biggest Pakwan: Brgy. Murtha (15.3 kg)
Biggest Papaya: Brgy. Central (3.6 kg)
Biggest Kamoteng Kahoy: Brgy. Batasan (4 kg)
Longest Sitaw: Brgy. Ansiray (82 cm)
Longest Mais (Sweet Corn): Brgy. Central (25 cm)
Longest Sili: Brgy. Central (20 cm)
Longest Luya: Brgy. Monteclaro
Biggest Alimango: Brgy. Mangarin (1.6 kg)
Biggest Lapu-Lapu: Brgy. Ansiray (1.2 kg)
...Tourism San Jose
0
INDAK PANDURUCAN FESTIVAL 2017
An inter-barangay street dancing competition with a theme, "Mangyan at Tamaraw: Mukha at Kulay ng San Jose, Occidental Mindoro", celebrated every 29th day of April, which showcases rich cultural heritage of the town by means of Mangyan and Tamaraw-inspired dances, costumes, and props in lively and energetic performances. "Indak" is a Filipino term meaning to move, and "Pandurucan", an old name of San Jose. The town dances as merriment to the abundance and mellowness of a living for more than a decade. It has been celebrated for almost 13 years as part of the celebration of the founding anniversary of the town, in line with the celebration of the feast, in honor of our Patron Saint Joseph, The Worker.
WINNERS:
Champion: Brgy. Bubog
1st Runner-up: Brgy. Batasan
2nd Runner-up: Brgy. Mapaya
CONSOLATION:
Brgy. Bayotbot
Brgy. Caminawit
Brgy. Central
Brgy. La Curva
Brgy. Monteclaro
Brgy. San Roque
SPECIAL AWARDS:
Best in Street Dance Parade: Brgy. Bubog
Best in Music: Brgy. Mapaya
Best in Mangyan/Tamaraw Costume: Brgy. Batasan
Female Star Dancer: Reylyn Delos Santos (Brgy. La Curva)
Male Star Dancer: Von Jovie Capin (Brgy. Bubog)
...Tourism San Jose
0
Grand Opening of Mang Inasal San Jose Mindoro, the first ever branch in Occidental Mindoro, located at Liboro St., Brgy. 5, San Jose, Occidental Mindoro.
Operating hours: 9:00 AM to 10:00 PM
Promo: (1 Peso Paborito Meal 1) Customers who will purchase any Paborito Value Meal single receipt from 9:00 to 9:30 AM will be entitled for 1 peso PM1 Card. Promo runs 30 days from May 5, 2017.
Mang Inasal San Jose Mindoro
Sarap ng Kaing Pinoy!
...Tourism San Jose
0
Opening of the First ever Historical and Cultural exhibit of San Jose, Occidental Mindoro with the theme, "Pandurucan Noon, San Jose Ngayon" which depicts the History of San Jose and Mangyan Culture.
The exhibit runs from April 27 to May 1, 2017, 9 AM. It presents in chronological order, from the period of Hunter-Gatherer, Chinese, Mangyan, Spanish, American until Japanese Imperial forces. The visitors sees the original and never before seen variety of documents and artifacts including artworks, photographs, materials and equipment, personal collection and other memorabilia of our ancestors which tell multilayered stories.
Brought to you by Samahang Pangkasaysayan at Kalinangan ng San Jose (SJSAMPAKA), in coordination with the Local Government Unit of San Jose, under the administration of Mayor Romulo M. Festin, thru the Municipal Tourism and Community Development Office (MTCDO).
Senior Citizens Training Center,
Municipal Compound, Rizal St., Brgy. 7,
San Jose, Occidental Mindoro
...Tourism San Jose
0
Pamaguhan sa Pandurucan Harvest Festival 2017

An Agri-Tourism Fair featuring Best Dressed Booth Competition of different barangays, Ansiray, Batasan, Central, Mapaya, Mangarin, Monteclaro, and Murtha, with a theme, "Sama-samang Pasasalamat at Pagdiriwang sa Isang Masaganang Ani".
April 27, 2017
San Jose Children's Playground
...Tourism San Jose
0
Opening of Pakudos 2017

The Second Visual Arts Exhibit of GINTONG TAMARAW Artist Association of San Jose with guests Guhit Pinas Mindoro Chapter.
Supported by the Local Government Unit of San Jose under the administration of Mayor Romulo M. Festin and Municipal Tourism and Community Development Office of San Jose.
April 22 - May 1, 2017 (2:00PM - 8:00PM)
at Water Garden Park, Mun. Compound, Rizal St., Brgy. 7, San Jose, Occidental Mindoro
...Tourism San Jose
0

Launching of Mang-Raw

Launching of Mang-Raw LGU San Jose Chorale and Dance Group
April 21, 2017
...Tourism San Jose
0
MUSIKAHAN, UMPUKAN, LIBANGAN: OLD & YOUNG 2017 VARIETY SHOW

Musikahan, Umpukan, Libangan: Old & Young 2017 Variety Show
Throwback 70s, 80s, 90s, 2000s
Launching of MANG-RAW LGU San Jose Chorale and Dance Group
April 21, 2017
...Tourism San Jose
0
TNT Kids Occidental Mindoro Mini Audition

TAWAG NG TANGHALAN KIDS
Occidental Mindoro
Mini Audition
April 19, 2017
San Jose Municipal Tourism Office
...Tourism San Jose
0
Meeting for the preparation of upcoming MIMAROPARAA 2018

Ms. Michelle F. Rivera conducting meeting with the owners and representatives of different hotels, resorts, and restaurants in San Jose, Occidental Mindoro for creating new association and preparation for the upcoming MIMAROPARAA 2018.
April 10, 2017
San Jose Municipal Tourism Office
...Tourism San Jose
0
Training on First Aid with BLS and Flood Search and Rescue

March 28 - April 1, 2017
LGU San Jose, thru the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), in coordination with the Philippine Coast Guard, conducted the 5 day Training on First Aid with Basic Life Support and Flood Search and Rescue, at 2nd Floor, ABC Bldg., Municipal Compound, San Jose, Occidental Mindoro.
...Tourism San Jose
0
Oath-taking of Officers of Gintong Tamaraw Artists Association

Oath-taking of the officers of Gintong Tamaraw Artists Association of San Jose, Occidental Mindoro with Mayor Romulo M. Festin.
The Gintong Tamaraw is the first ever Art Association in Occidental Mindoro that aims to create pool of artists who will share their talents and skills with an open awareness and better appreciation on Visual Arts, working collectively with creativity and innovation to build San Jose as an inspired-Visual Arts community and make known as LGU Art Capital in MIMAROPA.
BOARD OF DIRECTORS:
Chairman: Dr. Alexander M. Rivera M.D.
Vice-Chairman: Mr. Ruben R. Casuncad
Secretary: Mr. Deogracias Naelgas
Asst. Secretary: Mr. Marlou Jed Canonigo
Treasurer: Mr. Manuel V. Nonesa
Asst. Treasurer: Mr. Judelito Carreon
Auditor: Mr. Rodolfo A. Dolor
Member: Mr. Salvador Nonesa
COMMITTEE CHAIRMEN:
Committee on Membership and Recruitment: Mr. Ruben R. Casuncad
Committee on Exhibition: Dr. Alexander M. Rivera M.D.
Workshop and Sessions Committee: Mr. Marlou Jed Canonigo
Promotion an Invitation Committee: Mr. Manuel V. Nonesa
ADVISERS:
Hon. Romulo M. Festin - Municipal Mayor
Hon. Arneldo E. Argame - SB Member
Ms. Michelle F. Rivera - Municipal Tourism Officer
March 27, 2017
Office of the Municipal Mayor
...Tourism San Jose
0
Meeting with Guhit Pinas and Gintong Tamaraw Artist Association

Ms. Michelle F. Rivera - San Jose Municipal Tourism Officer having a meeting with the members of Guhit Pinas Mindoro Chapter and Mr. Ruben Casuncad - Vice-President of Gintong Tamaraw Artist Association for the preparation for arts exhibit as part of the upcoming celebration of 107th Founding Anniversary of San Jose.
March 18, 2017
San Jose Municipal Tourism Office
...Tourism San Jose
0
Opening of Richblitz Sweets New Branch

Blessing and opening of new branch of Richblitz Sweets located at Acacia Food Court, Municipal Compound, Rizal St., Brgy. 7, San Jose, Occidental Mindoro
March 6, 2017
...Tourism San Jose
0
Introduction of LGU San Jose Cultural Dance and Chorale Group

Mayor Romulo M. Festin, thru the Human Resource Management and Public Relations Office, introduces the first ever LGU San Jose Cultural Dance Group and Chorale Group composed of the best dancers and singers from LGU and different schools of San Jose, Occidental Mindoro.
March 6, 2017
...Tourism San Jose
0
Gintong Tamaraw Artists Association of San Jose Meeting

The Gintong Tamaraw Artists Association of San Jose finalizing their Constitution and By-Laws, and electing new sets of officers, with Ms. Michelle F. Rivera - San Jose Municipal Tourism Officer, Dr. Alexander Rivera MD, Mr. Ruben Casuncad, Mr. Manuel Nonesa, Mr. Jude Carreon, Mr. Deo Naelgas, and Mr. Marlou Jed Canonigo.
March 3, 2017
...Tourism San Jose
0
GREENHAUS GARDEN SPA & CAFE

Located at Bonifacio St., Brgy. 3, San Jose, Occidental Mindoro
20% Discount on all services till March 8, 2017
Book your appointments now!
0939-914-8367
or visit their Facebook Page Greenhaus Plants
*BE FISHICALLY HEALTHY AND CLEAN WITH THEIR:
- Fish Spa
- Classis Manicure
- Classic Pedicure
- Change Nail Polish
*PLANTS AND POTS FOR SALE
*CAFE MENU
Hot Brew:
Regular - P25
Brewed Kapeng Barako - P50
Cold Brew:
Vanilla Iced Coffee - P50
Donuts - P14
Refreshments:
Halo-halo - P50
Coffee Jello - P25

...Tourism San Jose
0
SOLID FOOD STATION AND CATERING SERVICES

Address: Rizal St., cor. Zamora St., Brgy. 6, San Jose, Occidental Mindoro
Contact Nos.: 0917-519-1962 / (043) 457-0447 / 0998-955-2510
Email: felynrqz@yahoo.com
Facebook: SOLID Food Station
Operating hours: 7:00am to 10:30pm/2:00am
Facilities: 2 common CR, WiFi, TV, air-conditioned Function Room, and Convenience Store
Best Seller: Canton/Carbonara, Lechon Kawali, Halo-halo Special, Tuna Sandwich, etc.
Promos: Combo Meals/Value Meals, Valentine's Day/Graduation/Halloween Treat, Class Opening
...Tourism San Jose
0
Opening of Travelers' Food Hub (2/6/17)

Now Open!
Travelers' Food Hub
An air-conditioned container restaurant with bar on the 2nd floor and view deck on the 3rd floor, located at Mabini St., Brgy. 7, San Jose, Occidental Mindoro.
Contact No.: 0928-822-5487
Facebook: Travelers' Food Hub
Operating hours: 12:00 NN to 9:00 PM (everyday)
...Tourism San Jose
0
Awarding of Commendation to Arawatan Street Dancing Team

Local Government Unit of San Jose, under the administration of Mayor Romulo M. Festin, thru the Sangguniang Bayan giving high commendation and recognition to Mr. Luis Sumajit - Overall Coordinator, Mr. Rolex Tolentino and Mr. Ronnel Kelvin Padua Rivera - Choreographers, and Mr. Kenneth Rae Nieves Alvaro - Head Drummer of Arawatan Street Dancing Team, for their achievements and accomplishments that bring honor, pride and prestige to the Municipality of San Jose by being the Champion and winning several awards during the MIMAROPA Festival 2016 - Street Dancing Competition held in Puerto Princesa City, Palawan last November 9, 2016.
...Tourism San Jose
0
3 Day Seminar on Tourist Reception and Guiding Techniques

January 23-25, 2017
JDS HOTEL
...Tourism San Jose
0
Introduction to Tour Guiding for potential San Jose local tour guides at JDS HOTEL and familiarization tour at Bato-Ili, Brgy. Monteclaro, Devil's Mountain, Brgy. Batasan, Central Heritage Park, Brgy. Central, Second Landing Site, Brgy. San Roque, Old Philippine Milling Company Canteen, Brgy. Caminawit, and San Jose Municipal Compound.
January 20, 2017
...Tourism San Jose
0
LGU San Jose supports the Commemoration of the 120th Martyrdom of Dr. Jose Rizal.
During the ceremony, Mayor Romulo M. Festin spearheaded the offering of flowers in front of the statue of Rizal followed by a short program.
December 30, 2016
San Jose Municipal Hall
...Tourism San Jose
0
LGU San Jose Christmas Party
December 22, 2016
San Jose Municipal Gymnasium
...Tourism San Jose
0
30 vibrant and colorful Christmas lanterns made of recycled plastics with multifarious designs by different schools, organizations, groups, and individuals, were displayed in San Jose Town Plaza last December 15, 2016, in celebration of the 12th Lantern Festival 2016 as "Pamaskong handog ni Mayor Muloy", with a theme, "Pasko ng Pamilyang Pilipino: Matibay at Makulay!"

Winners:
1st Place - #16 Mary Grace Navasca
2nd Place - #8 Job Dakila Erardo
3rd Place - #1 Reggine Fajardo
Most Innovative - #21 Vic Delos Santos
Most Colorful - #11 Jan Elleah Gasmeña Early Bird - #21 Vic Delos Santos
...Tourism San Jose
0
72nd Commemorative Celebration of the Liberation of Mindoro

December 15, 2016
Municipal Plaza, San Jose, Occidental Mindoro
...Tourism San Jose
0
Ms. Pearl P. Cabado of San Jose Municipal Tourism Office conducting final meeting with the 30 participants of LANTERN FESTIVAL 2016 Pamaskong Handog ni Mayor Muloy, with the theme, "Pasko ng Pamilyang Pilipino: Matibay at Makulay!" which will be held on December 15, 2016, 6:00 pm, at the Municipal Lobby, Mun. Compound, Rizal St., Brgy. 7, San Jose, Occ. Mindoro.

December 9, 2016
...Tourism San Jose
0
AGBILIWA CHRISTMAS BONANZA 2016 A joint project of LGU San Jose thru the leadership of Mayor Romulo Festin and DTI-Occidental Mindoro November 29, 2016 San Jose Town Plaza
...Tourism San Jose
0
The Local Government Unit of San Jose, under the administration of Mayor Romulo M. Festin, spearheaded the Motorcade as a Kick Off Activity for the 18-Day Campaign to End Violence Against Women with the theme, "VAW-FREE Community Starts With Me", last November 25, 2016 at San Jose, Occidental Mindoro. Reference to the Republic Act 10398 series of 2012 declaring November 25 of every year as "National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children and Proclamation No. 1172 series of 2006 declaring November 25 to December 12 of every year as the "18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)"
...Tourism San Jose
0
Finalization of Comprehensive Land and Water Use Plan & Comprehensive Development Plan

November 17, 2016
ABC Bldg., Municipal Compound, Brgy. 7
...Tourism San Jose
0
Mayor Romulo M. Festin supports the MIMAROPA Festival 2016

November 9, 2016
Puerto Princesa City, Palawan
...Tourism San Jose
0
League of Municipalities Occidental Mindoro Chapter Meeting

November 14, 2016

Provincial Training Center, Mamburao, Occidental Mindoro
...Tourism San Jose
0
Department of Tourism - MIMAROPA Region
Regional Workshop on Convergence Programs
MIMARO Cluster
October 24-25, 2016
Hotel Jen, Roxas Boulevard, Pasay City

...Tourism San Jose
6
Mimaropa Naturally Agri-trade and Tourism Fair 2016

Megatrade Hall 1 and 2, SM Megamall, Mandaluyong City
October 18-23, 2016
...Tourism San Jose
4

Munting Hiling para sa mga Chikiting Handog ni Mayor Muloy

Namigay ng school supplies, laruan, pagkain, at nagpalaro si Mayor Muloy Festin sa pamamagitan ni Ms. Michelle F. Rivera - ang Coordinator ng Munting Hiling Programs, kasama ang MSWD sa mga estudyante ng Curanta Child Development Center, Brgy. San Agustin at sa kanilang mga magulang.

October 4, 2016
Sitio Curanta, Brgy. San Agustin, San Jose, Occidental Mindoro
...Munting Hiling kay Mayor Muloy
7
Tamaraw Month Celebration 2016

LGU San Jose, under the administration of Hon. Mayor Romulo M. Festin, supports the celebration of OCTOBER: "Special Month for the Conservation and Protection of the Tamaraw in Mindoro", with a theme: "413 na bilang ng Tamaraw, yamang-likas ng Mindoro, paramihin, pangalagaan at ipagmalaki as buong Mundo".

October 3, 2016
...Tourism San Jose
8
LGU San Jose Sports Fest 2016

LGU San Jose, in coordination with Municipal Human Resources Management Office, PR Department, and Civil Service Commission - San Jose Field Office, conducting LGU San Jose Sports Fest, with a theme: "Masiglang Katawan, Dangal ng Pamayanan at Lingkod Bayan", as part of the celebration of 116th Anniversary of the Philippine Civil Service.

September 30, 2016 San Jose Municipal Gymnasium
...Tourism San Jose
10
ALAY LAKAD 2016
Theme:"Alay Lakad: May Pag-asa ang Kabataan!"
September 4, 2016

A total of 221 different groups, organizations, offices, fraternities, schools, barangays, and associations participated in Alay Lakad 2016 last September 4, 2016.

The said program raised a total of P622,490.00 exceeded the target of P600,000.00. The fund is allocated for the qualified Alay Lakad Scholars.
...Tourism San Jose
7
BEACH FOREST PROJECT (AWARDING OF CERTIFICATE OF PARTICIPATION)

July 11, 2016 - Certificates of participation awarded to 4 IB Phil. Army, Alpha Phi Omega, Brgy. San Agustin, Brgy. San Roque, Capt. Lawrence Cooper Tech. College, DENR-CENRO, Daughters of Mary Immaculate, Divine Word College of San Jose, K-Squad, La Familia Mangyan Skate Crew, Occidental Mindoro State College, Padyakero ng San Jose, and PNP-SJMPS for participating the tree planting activity along coastal areas of Brgy. San Agustin, San Jose, Occidental Mindoro, as part of the Mangrove and Beach Forest Development Project held last June 25, 2016.

Photo by Mr. Dondon Eugenio Jr.

...PR Team San Jose
2
MANGROVE AND BEACH FOREST DEVELOPMENT PROJECT 2016

LGU San Jose, through Municipal Tourism Office, MENRO, and MDRRMO, in partnership with 4 IB Phil. Army, Alpha Phi Omega, Brgy. San Agustin, Brgy. San Roque, Capt. Lawrence Cooper Technological College, DENR-CENRO, Daughters of Mary Immaculate, Divine Word College of San Jose, K-Squad, La Familia Mangyan Skate Crew, Occidental Mindoro State College, Padyakero ng San Jose, and PNP-SJMPS, conducted a tree planting activity along coastal areas of Brgy. San Agustin, San Jose, Occidental Mindoro, as part of the MANGROVE AND BEACH FOREST DEVELOPMENT PROJECT held last June 25, 2016
...Tourism San Jose
7
SITIO NAIBUAN OCULAR VISIT

Ms. Michelle F. Rivera - OIC and Ms. Ann Roxanne De Vera of Tourism San Jose, Engr. Jake Corpuz and Engr. Jigger Reyes of Municipal Engineering Office, and Brgy. Captain Ronilo Caballero conducted an ocular visit for the upcoming projects at Sitio Naibuan, Brgy. Batasan, San Jose, Occidental Mindoro.

June 17, 2016
...Tourism San Jose
5

Munting Hiling para sa mga Chikiting handog ni Mayor Muloy

Namigay ng school supplies, laruan, pagkain, at nagpalaro si Mayor Muloy Festin sa pamamagitan ni Ms. Michelle F. Rivera - ang Coordinator ng Munting Hiling Programs, kasama ang MSWD at Kabataang Liberal sa mga estudyante ng San Agustin Day Care Center at sa kanilang mga magulang.

February 29, 2016
Sitio D6, Brgy. San Agustin, San Jose, Occidental Mindoro
...Munting Hiling kay Mayor Muloy
6
BRGY. BAYOTBOT MEDICAL AND DENTAL MISSION March 2, 2016
Tuloy-tuloy ang Medical and dental Mission na isinasagawa ng Jaime V. Ongpin Foundation at Philip Morris Fortune Tobacco Corporation sa pakikipag-tulungan sa LGU San Jose.

Ito ay bilang bahagi ng pagbabalik ng serbisyo ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation , Jaime V. Ongpin Foundation, Inc sa mga Tobacco Farmers dito sa bayan ng San Jose, Nakipag-ugnayan sila sa LGU San Jose para magsagawa ng Medical at Dental Mission sa mga Brgy. na may mga magsasakang nagtatanim ng tabako.

Sa pangalawang pagkakataon, muli Kaninang umaga isinagawa ito sa Brgy. Bayotbot. Matatandaang noong nakaraang Nobyember 17, 2015 huling isinagawa dito.

Pinangunahan nina Dra. Enid M. Asuncion kasama sina Dr. Lawrence Cyril Gaudiel Vitug at Dra. Regine Escalada at mga kasamahan mula sa Municipal Health Office ang naturang Medical at Dental Mission.
...PR Team San Jose
4
FIRE PREVENTION MONTH 2016
Updated Bilang pagsisimula ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso, nagsagawa ng motorcade ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection na umikot sa pangunahing lansangan dito sa bayan ng San Jose. Ang naturang aktibidad ay para paalalahanan ang publiko na mag-ingat dahil ito ang buwan kung saan tumataas ang dami ng sunog.
...PR Team San Jose
6
ELISEO LISING JR, NANUMPA BILANG BAGONG KONSEHAL
Updated Bilang kapalit ng yumaong si Konsehal Senen Zapanta Jr. nanumpa kahapon sa harap ni Mayor Romulo M. Festin si Eliseo Lising Jr bilang Konsehal ng bayan ng San Jose
...PR Team San Jose
16

Groundbreaking Brgy. 5 Construction of Curve and Gutter
Updated 3 minutes ago
March 2, 2016 - Wednesday

Pinangunahan ni Mayor Romulo M. Festin ang naganap na ground breaking ribbon cutting ng Construction of Curve and Gutter sa Brgy. 5. Proyekto ito ng Department of Social Worker and Development KALAHI CIDDS. May nakalaang pondong P 110, 406.62. Inaasahang matapos sa loob ng Labing-apat (14) na araw.
...PR Team San Jose
2
 
SUGGESTIONS/QUESTIONS
Nice website! Sana punuin nyo ang laman para mas maganda tingnan....Anonymous

Featured Images/Photos